





Nakiisa ang Philippine Information Agency Puppet Theater (PIA PT) sa medical program na isinagawa ng Quezon City Medical Society (QCMS) noong nakaraang Setyembre 26, 2023 na ginanap sa Philippine Medical Association Auditorium, North Avenue, Quezon City bilang pagdiriwang ng National Medicine Week.
Bukod sa libreng gamutan at kosultasyon na handog ng QCMS para sa mga bata, nagbigay naman ng kasiyahan ang PIA PT sa pamamagitan ng mga nakakaaliw na pagtatanghal.
Photos: Ramil DC Maningas