No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

35 Romblon ARBs nagtapos sa farm business school ng DAR

Tatlumpu't limang (35) agrarian reform beneficiaries (ARBs) na kasapi ng Victoria-Binoog Farmers Association sa Victoria, San Andres, Romblon ang nagtapos kamakailan sa Farm Business School (FBS) ng Department of Agrarian Reform (DAR).

ODIONGAN, Romblon -- Tatlumpu't limang (35) agrarian reform beneficiaries (ARBs) na kasapi ng Victoria-Binoog Farmers Association sa Victoria, San Andres, Romblon ang nagtapos kamakailan sa Farm Business School (FBS) ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Layunin ng FBS na-idevelop ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na maging agricultural entrepreneurs.

Ayon kay DAR-Romblon Provincial Agrarian Reform Program Officer Camilo Claro Pacquing tinutulungan ng ahensiya ang mga magsasaka na tumugon sa hamon ng merkado at hangarin na maging farmer-entrepreneur.

“Sila ay nasa vegetable productions, at karamihan ay nagtatanim ng bawang. Sa pamamagitan ng FBS, matututunan nila ang bagong teknolohiya sa pagtatanim kung saan ito ay mapapakibangan nila ng husto sa kanilang produksyon na maaring gawing negosyo,”ani Pacquing.

Idinagdag pa niya na ang pagpapalakas sa kakayahan ng mga ARB organization sa paghawak at pamamahala ng kanilang mga produkto ang isa sa pangunahing prayoridad ng DAR.

Positibo naman ang mga nagtapos ng FBS na ang kanilang mga bagong natutunan ay makapagpapabuti sa kanilang mga sakahan at kanilang mga kita. (DAR-Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch