TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - “People empowerment and self-reliance is a more sustainable solution against hunger than government welfare because hunger is not just a social issue but a political one as well.”
Ito ang binigyang-diin ni Cagayan Governor Manuel Mamba bilang panauhing pandangal sa Ceremonial Signing ng Regional Memorandum of Understanding sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 02.
Ayon kay Mamba ang kailangan upang matugunan ang problema sa kagutuman at kahirapan ay ang pagbibigay-lakas sa bawat mamamayan upang maging self-reliant at hindi lamang umaasa sa tulong ng gobyerno.
Inihalimbawa ng punong ehekutibo ang ginawang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19 kung saan ay inilunsad ang “Magsakabataan Program”.
Sa nasabing programa, ang PGC ay namahagi ng mga native na manok at mga vegetables seedlings sa mga mga kabataan sa bawat purok na kanilang aalagan at pararamihin upang maging sagana sa pagkain.
Ito rin ang dahilan kung bakit ibinababa sa barangay ang pondo sa pamamagitang ng “No Barangay Left Behind Program” at pag-organisa ng Purok Agkaykaysa.
Ayon pa kay Gob. Mamba hindi na lamang isyu ng lipunan ang pagkagutom sa halip ay isa na rin itong isyu ng politika. Aniya, marami siyang natatanggap na mga reklamo mula sa publiko kaugnay sa mga pinipiling indibiduwal na binibigyan ng ayuda dahil sa umano’y mga nakaupong opsiyal.
“Political discrimination in the distribution of foods and commodities is not new to us, we are all aware of this. We know that there are politicians who gain control over people by controlling the distribution of foods, commodities and farm inputs; inequitable distribution of foods, therefore leads to hunger," saad ng opisyal.
Muli ring hiningi ng ama ng lalawigan ang pagkakaisa ng lahat ng ahensiya ng gobyerno na gawing self-reliant at mai-angat ang ang pamumuhay ng bawat mamamayan.
Samantala, ang nasabing paglagda sa MOU ay dinaluhan iba’t-ibang director at kinatawan mula sa DSWD R02, DAR, DA, DOST, BJMP, NIA MARIS, POPCOM, DILG, NNC, CDA, TESDA, BFAR, NFA, DOH, DTI, DEPED, EPAHP, LANDBANK, NEDA, PCIC, NHA, at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. ##