MAYNILA – Kasalukuyang isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 2021 Consumer Finance Survey (CFS). Isinasagawa kada tatlong taon, layunin ng survey na makalikom ng impormasyon hinggil sa kalagayang pampinansyal (particular na ang pag-aari, utang, kita, at paggasta) ng mga sambahayan sa buong bansa.
Kinomisyon ng BSP ang RLR Research and Analysis, Inc. (RLR), isang pribadong market research firm, upang mangolekta ng mga kinakailangang datos mula sa mga napiling sambahayan.
Inaasahan ng BSP na matatapos ang pangongolekta ng datos para sa 2021 CFS sa Disyembre 2022.
Pinahintulutan ang BSP na humingi, mula sa sinumang tao o anumang institusyon, ng datos para sa layuning kaugnay sa pang-istatistikal at polisiyang pangkaunlaran, sa ilalim ng Seksyon 23 ng Republic Act (RA) No. 7653 (The New Central Bank Act), na inamyendahan ng RA No. 11211, at alinsunod sa mga batas ukol sa confidentiality.
Hindi maaaring gamitin ang nakolektang datos ng sinumang tao o anumang institusyon sa labas ng BSP, pampubliko man o pribado, maliban sa ilalim ng utos ng hukuman o mga kundisyon na maaaring itakda ng Monetary Board.
Tulad ng lahat ng inilabas na istatistika ng BSP, ilalathala ang resulta ng 2021 CFS sa kabuuan, upang pangalagaan ang mga pagkakakilanlan at personal na impormasyon ng mga nakapanayam. Para sa impormasyon tungkol sa data privacy policy ng BSP, maaaring bisitahin ang https://www.bsp.gov.ph/Pages/AboutTheBank/BSPPrivacyPolicy.aspx.
Hinihikayat ng BSP ang suporta at kooperasyon ng mga napiling sambahayan sa nasabing survey.
Sinuri at inaprubahan ng Philippine Statistics Authority ang 2021 CFS. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa https://psa.gov.ph/content/psa-grants-clearance-conduct-2021-consumer-finance-survey. (BSP)