No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Native na baboy, ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng SAAD sa Calintaan

Ipinagkaloob ng Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program ang 24 na native na baboy sa mga magsasaka ng Samahang Magsasaka para sa Kaunlaran ng Sitio Looban sa Calintaan, Occidental Mindoro.

Layunin nitong mabigyan ng karagdagang hanap-buhay ang mga benepisyaryo ng samahan na may mga karanasan sa pag-aalaga ng baboy.

Ayon sa Pangulo ng samahan na si Cyrus James Alejandro, mas matipid ang pag-aalaga ng native na baboy para sa kanila dahil sagana ang lugar sa mga gulay gaya ng kangkong, saging, at iba pa na pwedeng ipakain sa native na baboy.

Nananatili pa ring ligtas ang Occidental Mindoro sa banta ng African Swine Fever (ASF) ayon sa Bureau of Animal Industry at ang mga baboy ay nagmula rin sa probinsya. Ngunit bilang karagdagang pag-iingat, ika-quarantine pa rin ang mga baboy sa communal pen sa Barangay Tanyag sa loob ng pitong araw bago ibigay sa samahan.

Katuwang ang Municipal Agriculture Office-Calintaan sa paghatid ng mga native na baboy sa lugar. Makatatanggap din ang samahan ng mga bitamina mula sa SAAD para sa kanilang mga alaga upang matiyak ang kalidad at kalusugan ng mga ito. (DA-SAAD)

About the Author

Gene Ace Sapit

Regional Editor

Region 4B

Ace is the Regional Editor and Social Media Manager of PIA MIMAROPA.

Feedback / Comment

Get in touch