No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sine Marinduke, Retelling ng piling Kuwentong Bayan sa lalawigan at paglulunsad ng “MSC Heritage Tour” vlogs sa Book Nook Marinduque Cinematheque

I-prinesenta ng mga mag-aaral ng BA Communication ang kanilang video ethnographies kaalinsabay ang SineMarinduke at Book Nook Marinduque Cinematheque.

Mogpog, Marinduque – Naglunsad kamakailan ang Book Nook Marinduque Cinematheque ng mga output ng mag-aaral ng Marinduque State College. Mula sa klase ng Communication Elective 3: Cross-Cultural Communication ang mga “video ethnography” ngayong semestre (1st sem 2022-23) ng mga BA Communication.  Galing naman sa English Language Studies, Foreign Language 2 (Japanese Language and Culture) ang retelling ng mga piling kuwento mula sa bayan ng Mogpog at Gasan. Buhat naman sa BA Communication kumukuha ng Bridging Course: Creative Writing (Malikhaing Pagsulat) ang mga vlog tungkol sa MSC Museum at Regional Science Centrum. Pinapalabas nitong Disyembre 13 hanggang 15 sa Book Nook Marinduque cinematheque.

Ang BAC section 3A ay naghanda ng mga paksa tungkol sa makasaysayang pangyayari: “Balik-Ta-Bay” pagkilala sa magigiting na bayani ng 10 de Octobre at 1 de Noviembre; “Sambahayan” Tahanang katedral na pinagtibay ng pananampalataya ng mga Boakeño’  “Kul-Ta-Ra” Kultura at Tradisyon sa Marinduque tungkol sa Bila-bila (butterfly) kasama moriones; at “Ang Kuwento ng Puwerto” pagsisiyasat sa Kasaysayan ng Puwerto ng Laylay.

Samantala, ang BAC section 3B naman gumawa ng tungkol sa “Magandang Pangitain” naglalahad ng mga Himala ng Biglang Awa;” Rumaragasang Ilong” tungkol sa Baha sa Boac noon panahon ng mga Moro at Marcopper. Gayundin, tungkol sa pamanang hindi natitinag na Casa Real at mga prominenteng tauhang Boakeño kagaya nina Gregorio Nieva at Arshie Larga.

Galing naman sa English Language Studies, Foreign Language 2 (Japanese Language and Culture) ang retelling ng mga piling kuwento mula sa bayan ng Mogpog at Gasan. Mayroon tungkol, sa pangalan ng Janagdong at Mampaitan sa bayan ng Mogpog; Brgy. Mangiliol, Matandang Gasan at Banuyo sa bayan naman ng Gasan. Samantala mayroon ding gumawa ng retelling sa Legend of Puting Buhangin, Bachao Ilaya, Libtangin at Antipolo lahat tungkol sa bayan ng Gasan. Sa kabilang banda, ang mga kuwento sa Mangyan Mababad at Laon naman ay matatagpuan sa bayan ng Mogpog.

Buhat naman sa BA Communication kumukuha ng Bridging Course: Creative Writing (Malikhaing Pagsulat) ang mga vlog tungkol sa MSC Museum at Regional Science Centrum. Ang unang set para sa MSC Museum ay nagkaroon ng walking tour sina Eunice Hernandez, Ate Min at Poging Mogpogueño sa MarSU Library. Samantala ang kasunod na set ay tinahi ninaman nina JP Mogol at Jurhyss Natividad ang kanilang danas sa mga interactive exhibit sa science centrum. Ang mga gawaing ito ay kadugsong ng katatapos lamang na pagatatanghal sa “Teatro Juvenil” nang nakaraang Disyembre 9 sa MSC audio-visual room at 4th MSC Film Festival “Sine Gunita” nitong Disyembre 10 sa MSC gymnasium.

Nagdiriwang ang bayan ng Boac ng 400 na taong muling pagkakatatag at ika- 70 taon ng Marinduque School of Arts and Trades. Bilang pagbibigay ng pagpapahalaga sa lokal na director, Joseph Israel Laban; mga lokal na historyador sina Myke “Miguel” Magalang at Lolo Kiko Labay. (MSC)


About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch