No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong Direktor ng SWK Marinduque papaliwigin ang Araling Pangwika at Pangkultura

Nagkaroon ng palitan ng pamunuan ang Sentro ng Wika at Kultura ang Marinduque State College, mula kay Dr. Randy Nobleza SWK director mula Hunyo 2016 hanggang Disyembre 2022 tungo kay Dr. Ernesto Largado simula Enero 11 2023. Ang SWK Marinduque ay pangrehiyong bisig ng Komisyon sa Wikang Filipino kasama ng ibang SWK sa bansang may mandatong “isulong at payabungin ang katangian at pangkultura ng pook na kinalalagyan nito habang pinalalaganap ang Wikang Filipino.”

Ayon sa diwa ng Kapasyahan ng KWF Komisyoner bilang 13-22, serye 2013 may pamagat na “Pinagtibay na Kapasyahan ng Reoryentasyon ng Sentro ng Wika at Kultura ng KWF” ang mga adhikain, tungkulin at programa maging mga serbisyo ng SWK. Nais pang palawigin ng bagong SWK direktor ang mga gawain ng SWK. Partikular na nangaangasiwa ang SWK Marinduque ng Tertulyang Pangwika tuwing Buwan ng Wikang Pambansa, Tertulyang Pampanitikan pagka Buwan ng Panitikan at magsagawa ng mga saliksik pangwika at pangkultura sa nabanggit na lalawigan.

Ang SWK Marinduque ay binigyan ng Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura nang nakaraang taon batay sa mga gawain nito, pagtalima sa KWF at inisyatiba sa Marinduque at maging sa Mimaropa. Kaugnay nito, ang SWK sa lalawigan ay kabilang sa Local Historical Committees Network ng Pambansang Komisyon sa Pangkasaysayan ng Pilipinas  (NHCP) kung saan kasama sa South and Island Cluster.

Si Dr. Largado ay kawaksing dekano ng College of Education, Arts and Social Sciences. Habang si Dr. Randy Nobleza ay nagsimula ng kanyang sabbatical leave para magsagawa ng saliksik sa araling pang-isla at pangkapuluan kaugnay ng mga kuwentong-bayan, malikhaing kabuhaysan at lokal na kasaysayan. Inilipat din ng dating SWK Director ang pamunuan ng Graduate Diploma in Cultural Education kay Mam Ruby Ann Lantita na kasama sa unang batch ng GDCE noong 2018 at tagapangulo ng programang Bachelor in Culture, Arts Education ng MSC. (MSC)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch