No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MSC Culture and Arts Unit kasama sa Pasinaya “Open House Festival” ngayong Buwan ng mga Sining

May tema ang Pasinaya ngayong taon na “Piglas Sining” See-all-you can, workshop all-you-can at pay-what-you can na ginunita sa unang weekend ng Pebrero.

Boac, Marinduque -- Mapalad na makasama ang culture and arts unit ng Marinduque State College bilang Kaisa sa Sining (KSS) Regional Arts Center sa lalawigan sa Pasinaya. Habang nagbabalik na uli ang Pasinaya Open House Festival ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ngayong Pebrero 3 hanggang 5 bilang pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining. Mas malaki at pinagibayo ang Pasinaya ng CCP ngayong taon sa Tanghalang Ignacio Gimenez, iba pang venue sa CCP complex at maging sa mga katuwang na museo.

Ang tema ng Pasinaya ngayong taon ay “Piglas Sining” See-all-you can, workshop all-you-can at pay-what-you can sa unang weekend ng Pebrero. Ayon sa CCP, ang Sentrong Pangkultura ay hindi lamang gusali o struktura kundi maaaring kahit saan maaaring maganap ang sining.

Binubuo ng limang elemento ang Pasinaya: pagtitipon, palihan, palabas, palitan at paseo museo. Ang pagtitipon ay pagsasama-sama ng mga rehiyonal na bisig ng CCP para magbahagi ng plano at programa para sa mga Kaisa sa Sining at Regional Arts Center sa bansa. Habang ang palabas naman ay mga pagtatanghal at pagpapalabas ng mga CCP Resident Companies, propesyonal, amateur at community-based na mga manlilikha at organisasyong pansining sa iba-ibang anyo. Samantala ang palitan ay arts market kung saan maaari magpakita ng gawa ng mga artist ng kanilang mga likha sa mga potensiyal na producer. At ang paseo museo naman ay pagbisita sa iba-ibang museo sa Metro Manila.

Ang minumungkahing donasyon ay hindi bababa sa P50, ang mga bibisita at makikilahok sa pasinaya ay maaaring pumili ng palabas, palihan at iba pang aktibidad  tungkol sa musika, dulaan, sayaw, sining biswal, pelikula, at panitikan.Maaaring magpatala sa CCP at pindutin ang ‘reserve a spot’,  pumili ng ticket at i-click ang ‘get ticket’ at panghuli at ‘checkout’ ang piliin. Maaari din naman magpatala ng on-site sa mga susunod na venue Vicente Sotto St. sa CCP front lawn (liwasang kalikasan), Bukaneg st. sa gilid ng CCP front lawn at sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) simula ng 6:30 ng umaga. (MSC)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch