No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paggunita sa Phil-Am War isasagawa sa Maynila

(Kuha mula sa PVAO/file)


LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magsasagawa ng simpleng programa ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Pamahalaang Lungsod ng Maynila at iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang gunitain ang ika-124 anibersaryo ng umpisa ng Philippine-American War ngayong Sabado, ika-4 ng Pebrero 2023, alas otso ng umaga, sa Sociego St. cor. Silencio St., Sampaloc, Manila.

Ang Philippine-American War ay nagsimula nang unang nagpaputok ang 1st Nebraska Infantry Regiment laban sa mga pwersang Pilipino sa Sociego St. cor. Silencio St. sa Sampaloc, Manila.

Magugunitang sa kabila ng pagsuko ni Emilio Aguinaldo sa mga pwersang Amerikano noong 1901, ang mga Pilipino sa buong bansa ay nagpatuloy sa pakikipaglaban para makamit ang kalayaan at nagsagawa ng mga kilusan kahit na wala silang mga armas. Ang digmaan ay tumagal hanggang 15 Hunyo 1913 kasama ang ilang kilusan ng mga Muslim sa Battle of Bud Bagsak sa Sulu.

Nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11304 na gumugunita sa Philippine-American war tuwing ika-4 ng Pebrero upang parangalan ang mga sakripisyo at katapangan ng mga Pilipinong nakipaglaban sa digmaan.

Kaugnay dito, ang NHCP-Museo ni Apolinario Mabini sa Tanauan City, Batangas ay magbubukas ng online exhibit na pinamagatang, “Mga Himpilan at Kabisera ng Pamahalaan mula 1898 hanggang 1901.” Itatampok sa eksibit ang iba't ibang kabisera at selyo ng gobyerno ng Pilipinas at ang mga salik na naging dahilan ng pagbabago ng mga kabisera mula 1898 hanggang 1901.



[Banner photo: File Photo courtesy of PVAO]

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch