BOAC, Marinduque – Ang buong isla at lalawigan ng Marinduque ay naghahanda na para sa 40 araw ng pagtitika, pagbubulay-bulay at pagpapanata bilang bahagi ng pananampalatayang Katoliko. Nagkaroon ng mga serye ng pagpupulong sa simbahan, paaralan at maging sa lokal na pamahalaan.
Nagdaos ang Diyosesis ng Boac ng panimulang paghuhubog sa mga namamanata sa pamamagitan ng pagmomoryon. Gayundin, binaba sa mga Local Council for Culture and Arts ang ilang detalye tungkol dito upang makapagbuo ng mga gawain sa darating na mga Mahal na Araw. Maging sa Marinduque State College at Provincial Cultural and Tourism Affairs Office ay nagsagawa ng pagkakasunduan sa pagtatanghal ng Senakulo ngayong taon,
Mula sa Mogpog LCCA ay naglatag na ng mga gawain para sa Buwan ng mga Sining, Araw ng Marinduque hanggang Semana Santa noong Enero 26. Sinundan din ng Torrijos LCCA noong Enero 30 at ng Boac Council for Local History Culture and History kasama Municipal Tourism Council noong Pebrero 1. Napagkayarian na simual sa Pebrero 21, kung kalian magdiriwang din ng ika-103 taong ng pagsasarili ng Marinduque sa lalawigan ng Quezon (dating Tayabas) at pagbubukas ng expo sa Moriones Arena. Gayundin, bunga ng serye ng pag-uusap ng MSC at Provincial Government of Marinduque, pinangunahan ng kinatawan nitong sir Gerry Jamilla at director Danny Mandia ang pagsasanay at paghahanda kasama ang MSC Culture and Arts unit head Ruby Ann Lantita.
Samantala, maging sa Parokya ng Banal na Puso ni Hesus ay nagkaroon na din ng ilang pulong mula sa Parish Pastoral Council, Barangay Parish Council at samahang banal ang tungkol sa pagpaplano hindi lamang sa Kuwaresma at Mahal na Araw kundi kahit sa kabuoan ng taon noong Enero 8 at Pebrero 5. Magsisimula ang Kuwwaresma mula sa Miyerkules ng Abo sa Pebrero 22 habang ang Mahal na Araw sa Linggo ng Palaspas sa Abril 2 hanggang sa LInggo ng muling pagkabuhay sa Abril 9 nang nagpapantili ng mga tradisyon at kaugaliang nagmula sa simbahan. (MSC)