BOAC, Marinduque -- Matagumpay na naibahagi ni Dr. Randy Nobleza, Ambassador ng Island Innovation ang kaniyang saliksik tungkol sa Araling Pang-isla at Pangkapuluan sa Pandaigdigang Webinar-Worksyap noong Pebrero 25 sa ika-37 taon ng EDSA Revolution.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Island Innovation Ambassador itampok ang kaniyang isla ng Marinduque sa mga guro, mag-aaral at mananaliksik ng Araling Panlipunan. Hinati ni Dr Nobleza ang kaniyang paglalahad sa slang bahagi: para sa abstrak at panimula ay nagpanood siya ng MSC Song at bahagi ng ritwal ng tubong. Samantala, ang materyal at metodo naman ay ipinakita ang process ng paghahabi ng nito na katumbas ng udang modyul na binubuo ng mga nilalaman ng mag-aaral ng Bachelor in Culture, Arts Education at Graduate Diploma in Cultural Education.
Bilang pagpapatuloy para sa substansiyal na bahagi, ang resulta at diskusyon pinalabas ang kultural na dokumentasyon na “Ipinamalay na” tungkol sa ugnayan ng isla ng Marinduque at Mindoro sa rehiyong Mimaropa. Katapat nito ang modul 2 na halaw naman sa mga awtput ng BA Communication at English Language Studies kagaya ng Vlogs, video ethnography at storytelling/ storybook packages. Bago ang konklusyon, reperensiya at pagpapasalamat ay pinasilip ang teaser ng 44 Ugat Conference tungkol sa Kapuluan at mga bahagi ng HIbla Local Filipina 3 kung saan kukuhain ang modyul 3 tungkol sa sayaw, musika, dula, pagguhit at pagkukwento.
Sa pagbubuod, binahagi sa saliksik ang mga layunin ng Massive Online and Open Course (MOOCs) tungkol Araling Pang-isla at Pangkapuluan. Pinaliwanag ang konteksto mula 2016, sa pagsisimula ng Marinduque State College (MSC) Culture and Arts kasama ang heritage education at gawain ng Book Nook Marinduque para sa Hibla Local Filipina 3 kagaya ng drawing, dance, music, retelling at theater arts.
Ang Pandaigdigang Webinar-Worksyap ay inorganisa ng Samahan ng mga Guro sa Intelektuwalisasyon ng Filipino (SAGIF). Ang nabanggit na webinar-worksyap sinagawa noong Pebrero 24 hanggang 26 ay may teaming “Pagpopook ng Kasaysayan sa Hamon ng Teknolohiya at Globalisasyon.” (MSC)