No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong pamunuan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa bansa, nanumpa

Nanumpa ang mga bagong halal na opisyales ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa harap ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan -- Nahalal na ang pamunuan mula sa mga direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) pagkaraan ng Pangkalahatang Oryentasyon at Pagpaplano sa Citystate Asturias Hotel mula Marso 8 hanggang 10 kasama ang Pangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Dr. Arthur Casanova, Tagapag-unay ng KWF Sangay ng Edukasyon at Networking Dr. Evie Duclay kasama ni Mina Limbo na siyang nakikipag-ugnayan sa mga SWK ng buong kapuluan.

Napili si Dr. Alvin De Mesa bilang pangulo, si Dr. Rodello Pepito bilang Pangalawang Pangulo, Ryan Rodriguez bilang kalihim, Dr. Lourdes Quijano bilang Ingat-yaman, Dr. Felisa Marbella bilang awditor, Dr. Romeo Espedion Jr bilang tagapagbalita, samantala ang mga kinatawan ng Luzon ay sina Dr. Mary Ann Macaranas; Visayas naman si Dr. Lita Bacalla; at sa Mindanao ay si Dr. Radji Macatabon.

Ayon sa Manwal ng Sentro ng Wika at Kultura, “makakaagapay ang SWK sa bawat rehiyon, lalawigan o bayan sa adhikain ng KWF na kilalanin at patatagin ang pamanang kultural tungo sa pagpapaunlad ng wikang katutubo at preserbasyon nito.”

Humigit kumulang na 50 ang mga kasalukuyang SWK sa buong bansa. (MSC)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch