Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Pagod at hirap ng buhay sa kabundukan ang nagtulak sa dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sumuko sa pinag-isang pwersa ng 31st Infantry Battalion, 22nd Infantry Battalion at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Fabrica, Barcelona, Sorsogon, alas-12:15 ng tanghali, Abril 3, Lunes.
Ang mga indibidwal na kinilala sa alyas na “Ka Bro” at “Ka Dan” ay kapwa miyembro ng L1, KP3 na kumikilos sa probinsiya ng Sorsogon.
Kasunod ng kanilang pagsuko ay ang pagtuturo sa pinagtataguan ng apat na matataas na kalibre ng baril kabilang na ang dalawang (2) 5.56mm M16A1 at dalawang (2) 5.56mm AR-15. Kabilang din sa itinuro ng dalawang sumuko ay mga bala, walong magazines at iba pang mga maka-teroristang kagamitan.
Ayon sa salaysay ng ng mga ito, naghihintay lamang sila ng pagkakataon na may makausap na otoridad dahil matagal na nilang gustong sumuko at makipagtulungan sa gobyern. Anila, napagtanto na nila na mali at walang katuturan ang kanilang armadong pakikibaka. Napatunayan din umano nila na hindi totoo ang sinasabi sa hukbo na sila’y mhapapahamak sa kamay ng mga otoridad kapag sila ay sumuko.
Ilan lamang sa matataas na kalibre ng baril at armas na isukoi ng dalawang NPA na sumuko sa Sorsogon, Abril 3, 2023 ( photo credits : 9ID, DPAO
Isa pa sa dahilan ng kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan ay ang kasabikan na makapiling na ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa masalimuot nilang pinagdaraanan sa araw-araw lalo na sa kabundukan.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng otoridad ang dalawang miyembro ng CTG para sa karampatang imbestigasyon at upang ma-proseso na rin sila sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Progam (ECLIP).
Tama umano, ayon kay Major General Adonis Bajao, Commander, 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) ang naging desisyon nina “Ka Bro” at “Ka Dan” na sumuko at makipagtulungan sa pamahalaan, ito’y hindi lang para sa kanilang mga sarili kundi para sa kanilang pamilya. Aniya, ganito din sana ang mapagtanto ng iba pa nilang kasamahan, kaysa masayang lang ang buhay sa walang saysay na armadong pakikibaka ng kanilang kilos. (9th Infantry Spear Division, DPAO)