No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

KWF, kikilalanin ang Dangal ng Wika 2023

Kikilalanin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang katangi-tangi sa mga magiging nominado para sa KWF Dangal ng Wikang Filipino 2023 kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan."

Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilala sa mga indibidwal, samahán, tanggapan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.

Bukas ang nominasyon sa mga indibidwal— lalaki man o babae— samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at disiplina.

Para sa kumpletong detalye, bumisita sa kwf.gov.ph o mag-text o tumawag sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph. (GAS/PIA Mimaropa/KWF)

About the Author

Gene Ace Sapit

Regional Editor

Region 4B

Ace is the Regional Editor and Social Media Manager of PIA MIMAROPA.

Feedback / Comment

Get in touch