Boac, Marinduque – Ang Bila-bila (Butterfly) Street Dance and Presentation ay isasagawa ngayong araw ganap na ika-3 ng hapon sa Boac Moriones Arena kung saan mayroong apat na kalahok mula sa iba-ibang institusyon sa lalawigan.
Ang mga kalahok ngayong taon ay mula sa Marinduque National High School, Marinduque State College, Municipality of Buenavista at Marinduque Alliance of Butterfly Permittees.
Ayon sa guidelines at mechanics mula sa Boac Tourism Culture and Heritage, hindi bababa sa 25 ang kalahok at hindi naman lalampas sa 50 miyembro kasama ang mga mananayaw, props at musikero.
Ang dance choreography at galaw o sayaw ay kinakailangang naglalarawan ng metamorphosis ng bila-bila. Dagdag pa tungkol sa musika at sayaw ay may tema o konsepto na nakapaloob sa ordinansa ng Boac. Ang bawat contingent ay makakatanggap na ₱100,000 bilang incentive sa pagtatampok at pagpapasigla ng butterfly industry sa diwa ng Local Tree Planting at Butterfly Propagation Ordinance.
Nagsimula ang patimpalak mula noong Mayo 27 hanggang 30 sa Brgy. Murallon, San Miguel, Isok 1, Mercader, Malusak at Tampus. Ang unang gantimpala ay mananalo ng ₱25,000, ang 1st runner up ay ₱20,000, and 2nd runner up naman ay ₱15,000 at ilang consolation price na ₱3,000 habang lahat ay makakukuha ng bila-bila frame product.
Bago ang pandemya ay idinaraos ang Bila-bila festival bilang bahagi ng linggo ng muling pagkakatatag ng Boac at bilang parangal sa kapistahan ng Immaculate Conception tuwing Disyembre 8. Simula noong nakaraang taon, nagdiriwang ang bayan ng Boac ng Quadricentennial o 400 taon ng pagkakatatag noong Disyembre 8, 1622. (PR/MSC)
Mga larawan mula sa Boac Tourism, Culture and Heritage page