Mabibili sa napakababang halaga ang iba’t ibang aklat pangwika at pangkultura na nailathala ng KWF kabilang ang akda ni Tagapangulong Arthur P. Casanova na Mga Drama para sa dulaang pambata at Mga Dula para sa teatrong pambata.
Lalahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Philippine Books Festival 2023 sa 2–4 Hunyo 2023 na gaganapin sa World Trade Center Manila, Lungsod Pasay.
Mabibili ng madla ang mga de-kalidad na mga aklat kabilang ang Ang Imahen ng Filipino Sa Sining, Ang Apat na Himagsik Ni Francisco Balagtas, Ang Dakilang Inaasam/Hinihintay, Arte De La Lengua Zebuana, Balarila ng Wikang Pambansa, Digmaan at Kapayapaan, Introduksiyon sa Leksikograpiya ng Filipinas, Introduksiyon sa Saliksik; Kahapon, Ngayon at Bukas; Kapayapaan Sa Ilang Wika ng Filipinas, Kasaysayan ng mga Pamayanan ng Mindanao at Arkipelago ng Sulu, Manwal sa Masinop na Pagsulat, Orosman at Zafira: Komenda ni Francisco Balagtas, Taludtod at Talinghaga, Tesawro ng Batayang Konsepto sa Kulturang Filipino, Vocabulario De La Lengua Tagala (Hardbound 2017), at marami pang iba.
Magbibigay rin ng libreng aklat ang KWF kabilang ang Mga Dula ni Severino Montano Severino Montano na isinalin ni Dr. Lilia F. Antonio .
Para sa mga tanong, maaaring mag-email sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph. Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa (02) 899-606-70 at hanapin si Dr. Jose Evie G. Duclay. (PR-KWF)