No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NKTI, Pangungunahan ang Pambansang Pagdiriwang sa Buwan ng Bato (National Kidney Month)

Photo from NKTI

Alinsunod sa Presidential Proclamation no. 184, s. 1993 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong ika-31 ng Mayo 1993, ang buwan ng Hunyo ay itinatalagang “National Kidney Month” (NKM).

Taun-taon ay nangunguna ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa pagbubukas ng NKM sa pamamagitan ng mga samut-saring programang nagsusulong sa pangangalaga at pagpapalakas sa ating mga bato.

Ngayong taon, opisyal na bubuksan ng NKTI ang pagdiriwang ng “National Kidney Month” na may temang “Bato’y Alagaan Para sa Kinabukasan” sa ika-5 ng Hunyo, alas otso ng umaga sa NKTI Atrium.

Ang punong alkalde ng Lungsod ng Quezon na si Mayor Josefina “Joy” Belmonte ay siyang magiging pangunahing pandangal sa gaganaping pagbubukas ng NKM.

Tema at Opening Ceremony

Ang tema ay naglalayong bigyang pagpapahalaga ang pangangalaga sa ating mga bato para sa isang malusog at maayos na kinabukasan.

Ang pagdiriwang ng National Kidney Month ay sisimulan ng isang “Flag Raising Ceremony” kasunod ang paglulunsad sa mga sumusunod na mga programa:

  • BotMD (Artificial Intelligence applied to Pre-Transplant Orientation and Education)
  • Kidney Transplant Recipient and Donor Handbook
  • NKTI One Dialysis Command

Ang NKM Committee ay mayroon ding inihandang mga programa para naman sa ating mga tinaguriang “modern day heroes”. Ito ay ang “Mass Organ Donation Sign-Up” at “Advocacy Video Contest” na naglalayong magbigay ng dagdag kaalaman tungkol sa organ donation sa mga masisipag at magigiting na empleyado ng NKTI.

Ilan sa mga nakahandang Programa:

  • Libreng BP Screening, Aortic Scan, Ankle Brachial Index, at Consultation sa iVasc tuwing Martes (June 6, June 13, at June 20) sa piling mga pasyente; 

  • Annual Batong Bulilit Art and Talent Contest na gaganapin sa Dr. Filoteo Alano Auditorium;

  • Mga lay forum, live at virtual lecture sa iba’t-ibang usaping pangkalusugan katulad ng “Principles, Benefits of Kidney Palliative Care”, “Importance of Hemodialysis”, “Therapeutic Exercise for Kidney Disease Patients”, “Food Preparation Demonstration for Renal Diet of PD Patients and Companions", “Lower Back Pain Causes and Prevention” at iba pa;

  • Advocacy Campaign sa Kidney Disease Prevention and Organ Donation;

  • Digital Rectal Exam; at mga 

  • Blood Donation Drives

Ang NKTI National Kidney Month Committee ay malugod na inaanyayahan ang lahat sa isang masaya, makabuluhan at ligtas na pagdiriwang ng National Kidney Month ngayong 2023. Para sa inyong mga katanungan, maaari kayong makipag uganayan sa aming Public Information Office at hanapin si Ms. Donie Garcia. (NKTI)


About the Author

Mary Rose delos Santos

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch