(Larawan mula sa KWF)
LUNSOD QUEZON (PIA) — Binigyan ng pagkilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga organisasyon at mga indibidwal na patuloy na isinusulong at paggamit ng wikang Filipino.
Sa ginanap na Gabi ng Parangal, Agosto 25, 2023 iginawad ang Sanaysay ng Taon 2023 kay Mark Anthony S. Angeles bilang Mananaysay ng Taon 2023; Si Ariel U. Bosque ang nagkamit ng ikalawang gantimpala, samantalang si Joanah Pauline L. Macatangay ang ginawaran ng ikatlong gantimpala.
Ginawaran naman ng Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura 2023 ang Catanduanes State University, Sorsogon State University, Aurora State College of Technology, Quirino State University at University of San Carlos. Ang West Mindanao State University ang pinarangalan ng Dangal ng Wika at Kultura 2023.
Nakatanggap naman ng Dangal ng Wikang Filipino 2023 ang mga sumusunod: (Indibidwal)
Felipe M. de Leon Jr., Rolando B. Tolentino, Pilar "Pilita" G. Corrales, Elwood Perez at Carol B. Dagani; (Organisasyon) Philippine Federation of the Deaf Inc.
Pinangunahan ni Arthur P. Casanova, Phd, tagapangulo ng KWF, ang nasabing pagdiriwang na dinaluhan ng ilang opisyal: Senador Loren Legarda, Atty. Abelardo Manlanque, Chief Legislative Officer at kinatawan ni Senador Manuelito Mercado “Lito” Lapid at Bise Alkalde ng Lungsod Quezon Gian Carlo Gamboa Sotto, kinatawan ni Alkalde Maria Josefina Go-Belmonte.