No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga Dalumat at Realidad ng Pagsasalin: Pambansang Kumperensiya ng mga Tagasalin sa Pilipinas

LUNGSOD NG MAYNILA -- Malugod na ipinababatid ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pakikipagtulungan ng Unibersidad ng Santo Tomas at Sentro sa Salin ang Mga Dalumat at Realidad ng Pagsasalin: Pambansang Kumperensiya ng mga Tagasalin sa Pilipinas. Gaganapin sa 27–29 Setyembre 2023 sa University of Santo Tomas.

Ito ay tatlong araw na kumperensiya na kung saan ay magtitipon ang mga baguhan at propesyonal na tagasalin upang talakayin ang industriya ng pagsasalin sa bansa; magbahaginan ng mga bagong idea sa pagsasalin; matalakay ang mga suliraning kinakaharap ng mga tagsalin; matukoy ang mga bagong trend sa pagsasalin; at makipag-ugnayan sa iba pang mga tagasalin. Tampok rin sa kumperensiya ang mga paksang ihaharap sa mga panayam, talakayan sa panel, breakout session, at oportunidad sa networking.

Nananabik kaming ilunsad ang Mga Dalumat at Realidad at maglaan ng platform sa mga propesyonal at baguhang tagasalin na magtipon at matuto sa bawat isa.

Ang kumperensiya ay bukas sa lahat ng propesyonal na may iba’t ibang antas ng kasanayan. Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon maaaring mag-email sa kwf.salin@kwf.gov.ph. (KWF)

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch