Publications

Speech by President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. during his Meeting with the Filipino Community in Indonesia

  • Published on October 28, 2022
  • |

Speech by President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. during his Meeting with the Filipino Community in Indonesia

Maraming, maraming salamat sa ating butihing Secretary ng Department of Foreign Affairs sa kanyang pagpakilala; binabati ko ang aking First Lady [cheers and applause] si Liza Araneta Marcos; nandito rin po ang ating mga miyembro ng ating bagong Gabinete, ipapakilala ko po sa inyo sila mamaya; at Chargé d’ Affaires and Consul General Bryan Lao, salamat din ako sa inyong mensahe; and the other officials of the Philippine Embassy in Jakarta; the Permanent Mission of the Philippines to ASEAN; and the Philippine Consul General in Manado.

Sa aking mga kababayan, magandang hapon po sa inyong lahat. [cheers and applause] Kung makita niyo po hindi pangkarinawan itong ating pagtitipon ngayong araw na ito at may ginawa kaming konting palabas na matikman naman ninyo kung ano ‘yung mga dinaanan namin, ano ‘yung pakiramdam doon sa mga rally na ginawa namin noong nakaraang halalan.

Dahil ang sabi namin ay kayo’y sumuporta sa akin nang napakabigat na suportang ibinigay ninyo sa akin, kahit hindi ko kayo nakampanya. Kaya’t upang makabawi man lang nang konti, kahit na nakaboto na kayo, ikakampanya ko pa rin kayo. [cheers and applause] [crowd: We love you!]

Talaga naman at… Basta kasama ang mga Pilipino, masaya talaga ‘no. [cheers] Nakuha pati ‘yung kanta ko. ‘Yung unang kinanta na kanta, eh lumabas siguro sa social media ito, ito ‘yung kinanta ko nung birthday ng aking minamahal na asawa. [cheers]

At saka ‘yung mga kanta namin sa mga rally. At alam naman po ninyo ay ‘yung – pagka nagiging kampanya, pagka lalo na basta Pilipino ang kaharap, eh kailangan may kantahan. Dahil talaga ang Pinoy ay nasa puso ang kumanta at mag-perform. Kaya’t napakasaya naman ng ating pagtitipon, pagkakaisa ngayong araw na ito. Masaya pala dito. Ngayon lang ako nakapuntang Jakarta. [cheers and applause]

Sana matagal na ako nakapunta, nakilala ko na kayo lahat. Masaya talaga dito. [cheers]

Tiniyak nga namin na ang pagdating namin Linggo para naman – alam naman natin mga Pilipino, day off ang Linggo. Para makita ko naman kayong lahat. Marami pa tayong mga kasama na hindi makakarating dahil malalayo.

Ngunit isasama na lang natin sa ating selebrasyon ngayong araw na ito. Ako’y nagpapasalamat na nabigyan ng pagkakataon na – itong pagkakataon na makapagsalita sa inyong lahat.

At tatanong ko lang sa inyo, kumusta na po kayong lahat?

Ito ‘yung unang-una kong state visit mula ako ay sumumpa at umupo bilang Pangulo ay tinanggap nung last June 30 – tinanggap ko ang pag-anyaya ni Pangulong Joko Widodo na bumisita sa ating karatig bansa na Indonesia na nagsisilbing pangalawang tahanan ninyo lahat.

Bukas, tomorrow, I will meet with President Widodo and we will strengthen further ang ating bilateral relationship and partnership na 73 years na tayo na magka-partner ng Indonesia.

At pag-uusapan namin sa ating dalawang bansa kung papaano tayo magtutulungan sa bagay-bagay ng security, defense, trade and investment, at saka kultura. At gagawa – patitibayin pa natin ang tinatawag na people-to-people ties na dinadaan natin through tourism and business travel.

Magwi-witness din kami ng pirmahan ng mga importanteng agreement na magbibigay ng pundasyon sa ating pagpatibay sa ating pagka-partner sa Indonesia para sa susunod na limang taon at sa darating pa na ilang taon pagkatapos niyan.

At alam niyo naman, hindi kumpleto ang pagbisita sa Indonesia kung hindi ko makakapiling ngayong hapon kayong lahat dito sa Jakarta. [cheers and applause]

Taos-puso akong nagpapasalamat sa inyo dahil sa inyong pagmamahal sa ating bayan, sa inyong sakripisyo na inyong dinadaanan para sa inyong mga pamilya, para sa inyong minamahal na Pilipinas.

At kayo ngayon ay naging ambassador of goodwill na ng Pilipinas dito sa Indonesia. Kaya naman, kami’y magpapasalamat din at dito sa Indonesia, napakaganda ang pangalan ng Pilipino sa inyong mga kasama dito. [applause]

Prayoridad… [crowd: We love you BBM!] Mabuhay kayo! [crowd: We love you BBM!]

Huwag masyadong malakas baka mag-selos ‘yung asawa ko. [laughter] Not in front of my wife, kayo talaga o.

Lagi po kayo naming iniisip at prayoridad namin kayo, kayong mga OFW dito sa administrasyong ito dahil – dahil dito asahan po ninyo na magiging fully operational na sa simula ng 2023 ang Department of Migrant Workers [cheers and applause] sa pamumuno ni Kalihim Susan “Toots” Ople na siyang mangunguna sa lahat – sa pinakabago at isa sa pinaka-importanteng departamento sa aking Gabinete, sa ating gobyerno.

Dahil alam naman namin lahat na napakalaki ng kontribusyon ninyong lahat sa Pilipinas, sa inyong mga pamilya, at kahit na sa ekonomiya ng Pilipinas.

At kami naman ay laging nagpapasalamat na ang inyong sakripisyo ay patuloy pa rin ninyong ginagawa, pinapakita ninyo ang pinakamagandang ugali ng Pilipino at ito ay nagbibigay bunga sa pagtulong sa ating mga kababayan na naiwan sa Pilipinas.

Napakilala ko na po sa inyo si Secretary Toots Ople. Papakilala ko na po kayo sa ibang ating mga sinama na Cabinet member. Ang kasama po niya si Secretary Fred Pascual ng Department of Trade and Industry [applause]; nakilala niyo na si Secretary Enrique Manalo ng DFA [applause]; nandito rin po ang ating Speaker of the House of Representatives, Speaker Martin Romualdez [applause]; andiyan din po ang nagtitimon sa ating ekonomiya, ang ating Secretary of Department of Finance, Secretary Ben Diokno [applause]; at ang mga tumutulong sa kanya na ibang economic manager, nandito rin po ang Governor ng Central Bank, Felipe Medalla [applause]; at sa likod nandiyan ang ating DBM, Department of Budget and Management Secretary, si Secretary Amenah Pangandaman [applause]; sa NEDA po, ang aking kababayan na galing Ilocos na namununo ngayon ng ating economic development authority, si Secretary Arsi Balisacan [applause]; kasama rin niya ang ating Acting na SND, Secretary ng National Defense, Secretary Faustino [applause]; nandito rin po ang ating Press Secretary na si Trixie Angeles, Trixie Cruz-Angeles [applause]; ipapakilala ko rin ang isa pang naging Cabinet member, siya’y tumutulong sa Palasyo, siya ang namamahala ng Presidential Management Staff sa Palasyo, Secretary Naida Angping [applause]; hinuli ko na lang… [cheers]

Pati ba naman dito, pareho ang reaksyon, parang sa rally. Nanunuod kayo ng livestream nung mga rally noon? Eh nagtatampo ako sa mga crowd kasi kung minsan sigaw nang sigaw, nagtititili pero hindi naman nakatingin sa akin. Ang hinahanap ang aking anak, ang bagong congressman na si Sandro Marcos. [cheers and applause]

Nandiyan din po sa kabilang dulo, ang Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo na tiga-Davao na dating congressman.

Ito po ang iba sa ating mga secretary, at iba sa ating mga kalihim na aming binuo, dahil sa aking pananaw ang pinakamahalaga na kailangan ayusin kaagad pagkatapos nitong pandemya ay ang ating ekonomiya. Kaya’t kinuha ko ang pinkamagagaling at pinakamahaba ang karanasan at maraming mga maganda nang ginawa at maganda ang record, at sila naman…

Ako’y nagpapasalamat lagi sa kanila na sila’y pumayag na maiwan sa gobyerno nang sa ganun ay makuha natin ang pinakamagagaling na mga utak ng ating economic managers para makita natin naang Pilipinas ay babangon muli. Sama-sama tayong babangon muli. [cheers and applause]

[crowd: We love you BBM! We love you po sir!]

Maraming salamat sa inyo. ‘Yan po ang mga bagong pangyayari na – sa nakaraang dalawang buwan mula nga nung ako’y umupo at ay gagawin po natin ang lahat.

Unang-una, unahin ko na ‘yang ating Department of Migrant Workers na pinangunahan ni Secretary Toots Ople. Katuwang ng Department of Foreign Affairs, ng ating mga embahada at konsulado, itataguyod ng Department of Migrant Workers ang kapakanan at karapatan ng lahat ng OFWs sa buong mundo. [applause]

Ito ang aking pangako na tutuparin ko bilang bago ninyong Pangulo. We Filipinos, we share with the Indonesians a common cultural heritage.

I am very happy to see that this kinship and close people-to-people ties continue to endure as shown by the vitality of the Filipino community here in Indonesia. Napakalaki ang respeto ng mga Indonesian sa mga Pilipino dahil sa inyo. [applause]

You have become valued members of the local society. As investors, as company directors, business consultants, lawyers, accountants, engineers, teachers, and technical staff. [applause]

Kaya’t kami – pagka kami ay bumibisita, pagka ang Pilipino ay bumibisita, eh siguro pagbibigyan niyo na lang kami at medyo mayabang ang dating namin dahil sinasabi namin kami’y kasama doon sa grupo ng mga magagaling na Pilipino. [applause]

Your good standing in Indonesian society has contributed to sustaining trade, tourism, people-to-people links between our countries. Your success here makes us all back home, very, very, very proud.

Every time we hear news of yet another success by our OFWs, we are always saying thank you for the glory you bring to our country, for the good name that you burnish and polish of our country while you are abroad. Iba talaga ang galing ng Pinoy saan man sa mundo. [applause]

Alam din po naman namin na hindi naman lahat ng OFW na nagtatrabaho sa abroad ay namili na magtrabaho dito sa abroad. Workers are abroad not because a matter of choice, but they are away from our familiar and beautiful shores, constrained to leave loved ones due to the lack of opportunities back home.

That’s why, I, together with the Cabinet are fully committed to making sure that every Filipino’s economic, social, and cultural potential are fully realized in our own country.

Nang sa ganon ay masasabi natin na makakamtan din natin ang ating pangarap na kung magkaroon pa ng OFW, ito ay hindi dahil na kayo’y napilitan umalis ng Pilipinas, kung hindi dahil ninanais ninyong pumunta sa mas magandang pwesto at magka – mapakinabangan ang mga pagkakataon na ibinibigaysa inyo ng trabaho sa abroad.

Ngunit walang… May trabaho sa Pilipinas para hindi na kailangan umalis. And we dream that that day will come, that Filipinos will only travel abroad to work because it is their choice, not because they have no other options.

Together, we’ll make the Philippines more conducive for tourism, for investment, at the same time, creating more jobs for the economy. And as you all may know, I’m fully committed to revitalizing our country’s agricultural industry.

Kaya nga, kung wala akong pinakilala sa inyong Secretary of Agriculture ay dahil ako na, ginawa ko na ‘yung sarili kong Secretary of Agriculture. [cheers and applause] Dahil nakikita ko ay napaka-importante at napakahalaga para magkaroon ng trabaho ang taong-bayan at para tumibay ang ating ekonomiya.

Tomorrow, as I meet with President Widodo and his team to conduct official activities, I will tell them of how proud I am of the successes of the Filipino community here and how you have learned to adapt and learn from Indonesia and its people.

Kaya’t napakatama naman, napakapalad ko na ang unang napuntahan ko, ang unang state visit ko ay dito sa Indonesia, kasama kayong lahat. At makasubok naman kayo nang kaunti na kung papano – papano kami mangampanya. Iboto niyo kami ni Sara ha. [laughter]

Maraming, maraming salamat po sa napakainit na salubong na ibinigay ninyo sa aming lahat. [cheers and applause] [crowd: BBM! BBM! BBM!]

Maraming, maraming salamat po. Magandang hapon po sa inyong lahat. At kagaya ng mga rally nung kampanya, tapos na ‘yung mga speech, selfie naman. [cheers] Magandang hapon.

— END —

Watch here: Meeting with the Filipino Community in Indonesia
Location: Fairmont Hotel, Jakarta, Indonesia

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch