Publications

Remarks by President Ferdinand R. Marcos at the Distribution of goods and assistance to victims of Tropical Storm ‘Paeng’ in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

  • Published on November 01, 2022
  • |

Remarks by President Ferdinand R. Marcos at the Distribution of goods and assistance to victims of Tropical Storm ‘Paeng’ in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Thank you. [Please take your seats.]

Maraming salamat Secretary Anton Lagdameo sa inyong pagpakilala. At ang ating mga opisyales na nandito; my fellow workers in government; at ang ating mga Cabinet members.

Kalahati na yata ng Cabinet ay nandito para magdala at tiyakin na dumating ang tulong sa mga nangangailangan dahil sa nangyaring disaster doon nga na gumuho ang landslide pero hindi lang naman ‘yun. Marami pang iba na nawalan ng bahay, maraming iba nasiraan ng bahay nasa evacuation center pa.

Kaya’t ako naman galing kami sa — ibang klase itong bagyo na Paeng dahil ang daming tinamaan hanggang Luzon, hanggang dito sa Mindanao may disaster dahil doon sa isang typhoon lang kaya’t naiba.

Kaya’t kahapon nasa Cavite naman ako, ganoon din, nabaha din sila pero iba naman ang kanilang mga problema.

So ngayon ay nag-helicopter kami, tiningnan lang namin kung saan ang mga problem area at mukhang kailangan pa rin talaga na bigyan ng maraming tulong ang ating mga kababayan dito. Ang pinakaproblema ‘yung kay Mayor Lester nga ‘yung mga pabahay.

Ang sagot diyan ay ang aming ginagawa pagka sira talaga ang lugar, nagbibigay kami ng building material mismo. Pero hindi naman ganoon ang nangyari dito kaya ang ibibigay ng DSWD — ininstraksyunan ko na si Secretary Erwin Tulfo, ininstraksyunan ko na siya na imbes na tayo ang magbigay ng construction materials ay bibigyan na lang namin kayo depende five to 10,000 bawat isa para makapagbili ng construction materials at para makapagpili kayo kung ano ‘yung gusto niyo, paanong gusto ninyong gawin. [applause] Titiyakin natin ‘yan.

Ito ngayon ay binabantayan din natin ‘yung mga naiwan pa sa evacuation center. Sa evacuation center ang bilang yata ay 22,000 pa ang nandiyan. Kaya’t patuloy namin susuportahan ‘yan, patuloy — hanggang makauwi, hanggang makabalik sa kani-kanilang bahay ay — at ang naiiwan pa sa mga evacuation center ay iyon ang gagawin namin. We will continue to support. We will continue to provide.

Ito may mga dala kami, magdi-distribute kami nang kaunti. Nandito kami para tiyakin na mabilis ang pagdating ng tulong na galing sa national government sa inyo na tinamaan ng bagyo, na nabiktima ng bagyo na nangangailangan ng tulong.

Kaya’t patuloy lang ang aming ginagawa. Binabantayan namin kayo. Tinitingnan namin nang mabuti kung ano ang pangangailangan ninyo at lahat ng…

Nag-meeting naman kami together with the BARMM ministers kasama si Gov. Bai Mariam, si Mayor Lester, nandoon kaming lahat para pagandahin ang ating pag-respond sa mga krisis na kagaya nito.

At nandiyan ang BARMM. Sabi ko sa kanila ayusin natin ang pagtulungan ng BARMM at saka ng LGU. At napakaimportante para tulungan ang mga nabiktima dito sa bagyong ito, dito sa Paeng.

Anyway iyon ang aking — kaya iyon ang aming sadya rito para makita kung ano ba talaga ang nangyari, number one. Pangalawa, para tiyakin na lahat ng dapat gawin ng national government ay ginagawa natin at lahat ng pangangailangan na nanggagaling sa inyo, sa LGU, ay maibibigay namin hangga’t kaya ng national government.

Iyon ang patuloy naming tulong na ibibigay sa lahat ng mga nakaramdam dito sa Paeng, tinamaan dito sa Typhoon Paeng.

Kaya’t iyon ang aming ipapagpatuloy hangga’t kayo ay makatayo na sa sarili ninyong mga paa. [applause] Iyan ang aming gagawin.

So siguro puwede na nating simulan, we can ano… Iyong mga beneficiaries umpisahan na natin mayroon tayong ibibigay, iyong galing ito sa national government. Kaya’t maraming salamat sa inyong lahat. [applause]


— END —

Watch here: Distribution of assistance to victims of Tropical Storm Paeng in BARMM
Location: Datu Odin Sinsuat in Maguindanao del Norte

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch