Publications

Remarks by President Ferdinand R. Marcos at the distribution of DSWD assistance to families affected by Tropical Storm ‘Paeng’ in Cavite

  • Published on October 31, 2022
  • |

Remarks by President Ferdinand R. Marcos at the distribution of DSWD assistance to families affected by Tropical Storm ‘Paeng’ in Cavite

Magandang tanghali na nga — magandang tanghali sa inyong  lahat. [Please umupo po.]

Maraming salamat, Secretary Erwin Tulfo sa iyong pagpakilala. Nag-ano lang kami, umikot kami kasama ang ibang opisyal para tingnan ‘yung mga nangyari dito sa baha.

Ang nagbago rito — hindi masyadong malakas ang hangin pero maraming bumagsak na tubig. At hindi na nakayanan ng ating flood control at lumagpas na ‘yung tubig doon sa mga dike, doon sa mga flood control natin.

Kaya’t pumasok na sa mga bayan, Noveleta ganoon ang nangyari kaya’t kailangan nating tingnan. Unang-una ay sa aking palagay — kaya’t talagang lagi ko hong ipinipilit at ipinapaalala sa lahat ng NDRRMC natin na ang pinakaimportante pagka alam nating may parating na bagyo ay mayroon tayong evacuation na pre-emptive na inuunahan natin ‘yung bagyo na ilikas ang mga tao para kung sakali man dumaan doon sa lugar na ‘yun ay hindi na sila mabiktima.

Kaya’t iyan ang nangyari dito. Sa aking palagay kahit na ganyan ang kalaki ng kalamidad ay hindi naman ganoon kalaki ang bilang ng casualty ngunit ang damage sa infrastructure ay mabigat. Iyong inikot nga namin iyon na nga ‘yung mga flood control natin, ‘yung mga dike natin, wala na na-erode-erode na.

Kaya’t ‘yun ang dapat natin tingnan, mayroon tayong — magkakaroon tayo ng long — plano na long-term para kahit na lumakas ang tubig nang husto ay hindi na guguho ‘yung lupa at hindi na tayo inaabutan ng mga landslide na ‘yun ang mga nagiging problema.

Kaya’t sa ngayon, sa mga evacuation center ay sinama ko, pinilit kong isama — galing din siya sa Maguindanao dahil mabigat din ang problema doon — pero sinabi ko pumunta ka rito para matiyak natin na lahat ng mga nasa evacuation center ay nase-service-san. Ibig sabihin, nabibigyan ng tulugan, nabibigyan ng pagkain, ng tubig, at naaalagaan nang mabuti ang ating mga evacuees.

At sa lalong madaling panahon maibalik na sa kanilang tahanan dahil alam na alam ko naman na pagka ganito lahat ng na-evacuate eh talagang gustong bumalik kaagad. At tinitiyak na lang natin na hindi naman magiging delikado ang pagbalik sa mga — sa inyong mga tahanan, sa inyong mga negosyo.

Pero ngayon, we are in ano — we are — actually it’s a long weekend. Pero hindi na bale. Titiyakin namin na hangga’t nandito kayo, hangga’t nandito ‘yung mga evacuees ay nasa evacuation center eh titiyakin natin na mayroon kayong sapat na — sa lahat ng inyong pangangailangan hangga’t makabalik na nga kayo sa inyong mga lugar.

Kaya’t ‘yun lamang. Sa ngayon, eh pagkatapos nito ay magbi-briefing kami nang kaunti. May dali kaming kaunting dagdag na tulong para naman eh… Nahirapan na nga kayo eh, para hindi naman kayo mahirapan pa. Kaya’t sige maraming salamat at…

Kami na munang bahala rito. We will take charge here and then make sure na okay kayong lahat. Maraming salamat. [applause]


— END —

Watch here: Distribution of DSWD assistance
Location: San Jose Evacuation Center in Barangay San Jose II in Noveleta, Cavite


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch