Thank you very much, Speaker Martin Romualdez. [applause] Damo salamat. To all the distinguished guests who are here today, we just came from Tacloban to have a program to commemorate the tragedy that was Yolanda that happened nine years ago.
But we have come here, pumunta kami rito para tingnan kung patuloy pa rin. Kasi kahit na hindi tayo nasasalanta dito ng bagyo necessarily, may tama tayo nang kaunti pero hindi gaano, ay kahit na hindi tayo dinaanan ng bagyo ay naghihirap pa rin ang taong-bayan dahil nandiyan pa rin ang ekonomiya ng pandemya.
Kaya’t ang utos ko sa ating mga Cabinet secretary, ay sabi ko sa kanila kailangan lang talaga — kailangan patuloy lang ang ating pagtulong hanggang talagang maramdaman na natin na makatayo ang tao sa kanilang sariling paa. At hindi pa tayo nandoon. Paganda na nang paganda ang sitwasyon sa ekonomiya pero tinamaan naman tayo ng mga pangyayari sa ibang lugar sa ibang bansa.
At kaya naman kahit hanggang ngayon eh mataas ang presyo ng bilihin, mataas ang presyo ng agricultural commodities. Kaya’t ito po ay kailangan pa namin tugunan at dahil ang aming inaalala ay, halimbawa, sa agrikultura, kailangan tumaas ang production; sa mga negosyo, kailangan magbukas na ulit at magkaroon ulit ng kita ang ating mga mamamayan.
Hangga’t mangyari ‘yun, kami po bilang gobyerno ninyo ay nandito upang tumulong at hindi kami aalis hanggang nakikita namin na kaya niyo na na magsarili dahil ‘yan po ang aming naging prayoridad na umahon at pagandahin ang ekonomiya at dahan-dahan, dahan-dahan aabot din tayo diyan.
Hindi mabilis ang pagbabago. Kahit na ina-adjust natin ngayon. Siguro mga ilang buwan pa makikita ‘yan. One, two, three months pa bago mo makita ‘yung effect.
Pero sa palagay ko, we are going in the right direction. So that is what we are putting at the top of our priority list is the continuing assistance.
At ang assistance ay hindi lamang ‘yung ayuda. Pati na para sa livelihood, pati na para sa mga MSMEs na ating tinatawag. ‘Yung ating mga sari-sari store, ‘yung mga nagbebenta ng sigarilyo, ‘yung mga nag-aayos ng sasakyan. ‘Yan ‘yung mga maliliit na negosyong ganyan ay para makatayo ulit pagkatapos nitong pandemya, o dahan-dahan lumalabas ang pandemya ay para makatayo ulit. Nandito rin ang gobyerno para tulungan kayo.
Kaya’t ‘yung ating isinisigaw noong kampanya na sama-sama tayong babangon muli ay nagsimula na at sabay-sabay na tayo babangon muli. Tuloy-tuloy ang ating pagbangon. Maraming salamat. Maupay nga aga. [applause]
— END —
Watch here: Distribution of various government assistance in Palo, Leyte
Location: Leyte Academic Center in Palo, Leyte