Maraming salamat, Gov. Cadiao, sa napakagandang pagsalubong na ibinigay niyo sa akin.
Maraming, maraming salamat sa inyong lahat at nandito kayo para salubungin kami. Eh kami naman po ay nandito upang tingnan kung ano ang naging damage, kung ano ‘yung mga nasira noong… Parang ‘yung iba rito nakikita ko sa kampanya ah. [cheers]
Nandito na naman tayo sa hindi naman natin ninanais pero hindi siguro hindi sa pinakamagandang dahilan. Ngunit mabuti naman at nakabalik ako — nakabalik ako ng Antique at makita ko kayong lahat at bukod pa ro’n ay malaman kung ano ba ang pangangailangan ng mga probinsiya dahil dito sa Bagyong Paeng.
At tinitingnan lang natin na maayos naman ang pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan. Kasi kahit papaano hirap na nga tayo, tinamaan pa tayo ng bagyo ay sana naman hindi pa maging abala ang pagbigay ng tulong para sa inyo na nangangailangan kaagad.
Kaya’t nandito po kami para tiyakin ‘yan at nag-ikot kami ng helicopter. Tiningnan namin kung ano ‘yung mga nasira, iyong mga tulay, at gagawin namin kaagad lahat para maibalik. Magamit man lang [applause] para man lang — para naman matuloy ang pag-deliver, matuloy ang hanapbuhay, at makabalik na naman tayo sa normal bago tayo nagkabagyo ng ganito.
Kaya’t maraming, maraming salamat. Hindi ko siguro puwedeng tapusin itong pagsalita ko kung hindi na wala akong pasasalamat sa inyo sa lahat ng probinsiya ng Antique. [cheers and applause]
Dahil… [crowd cheers: BBM! BBM! BBM!] Iyan dahil diyan — dahil sa inyong suporta. [crowd cheers: BBM! BBM! BBM! BBM!] Wala tayong performer ngayon baka ‘yung iba pakantahin na lang natin kung sino dito secretary. Sino bang magaling kumanta rito sa inyo?
Pero ulit maraming, maraming salamat sa ibinigay ninyong suporta at ang maisusukli ko lamang sa inyong tuluyang pagsuporta at pagmamahal sa akin, sa aking pamilya, at ngayon sa ating administrasyon, ay ang magandang trabaho na aming gagawin para tulungan tayong lahat na makaahon. [applause]
Iyong ating sinasabi, ‘yung ating sinisigaw noong kampanya na “sama-sama tayong babangon muli”, nagsimula na. Kaya’t tuloy-tuloy na ang ating pagbangon dito sa Pilipinas. [applause]
Asahan po ninyo na lagi po kaming nandiyan kahit ‘di niyo po kami nakikita. Pagka mayroong ganitong bagyo at may mga naging biktima ay alam po namin ang mga pangyayari at ginagawa po namin lahat…
[A woman shouts (inaudible)] [laughter] [crowd cheers: BBM! BBM! BBM!]
[PBBM laughs]
Nagseseryoso ako dito eh. Kayo talaga masyado kayong nagbibiro. [laughter] Buti na lang mayroong… Sa gitna ng lahat ng pangyayari, mayroon pa tayong — maaari pa tayong tumawa. Iyan talaga ang tibay at saka ‘yung tapang ng Pinoy eh. Ganyan talaga tayo.
Kaya’t naman eh para naman hindi lang madaan sa tapang ang pag-recover sa mga bagyo, nandito po kami para tumulong.
Maraming salamat po. Maraming salamat sa suporta at maraming salamat sa inyong pagpunta ngayong araw na ito. Mabuhay po kayo. Thank you. [applause]
— END —
Watch hre: Distribution of various government assistance in Antique
Location: San Jose de Buenavista in Antique