Publications

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pasko sa Quezon City

  • Published on December 01, 2022
  • |

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pasko sa Quezon City

Maraming, maraming salamat. Magandang umaga po sa inyong lahat. Talagang ramdam na ramdam na talaga ang Christmas spirit dito sa Quezon City. [cheers]

Kaya’t… Sabi ko sa isang grupo doon, sabi ko, “Kayo ‘yung maiingay sa caravan ano?” Siguro kayo din kasama. [cheers] Hay nako, maraming, maraming, maraming salamat sa inyo. [cheers]

Ang ating butihing Mayor, Mayor ng Quezon City, Mayor Joy [Beltran] Belmonte [laughter]; ang kanyang Vice Mayor, Vice Mayor Sotto; ating mga congressman; lahat ng aking mga kasama sa pamahalaan. Maraming, maraming salamat sa inyong pagdating ngayong araw.

Lahat ng ating mga local traders na ‘yung ating tinatawag na MSMEs, lahat ng ating mga naging supplier para dito, lahat po kayo marami pong salamat sa inyong paglahok dito sa aming ginagawa na Kadiwa Para sa Pasko.

Alam niyo po ito ay pamamaraan upang makapagbigay tayo ng pagkakataon sa ating mga kababayan na makabili ng mga iba’t ibang commodities na may savings dahil nga dumidiretso kami sa supplier, dumidiretso ang pamahalaan.

Ang maganda sa pamahalaan ang nangunguna ay ang pamahalaan ay hindi kailangang kumita. Kaya kahit walang kita, kung ano ‘yung binili, kung magkano binili, ganoon din ipinagbibili. Kaya ito ‘yung naging lamang ng Kadiwa.

Bukod pa diyan ay makikita natin ay nabigyan natin ng pagkakataon ang ating mga MSMEs na mabigyan sila ng isang lugar, isang palengke kung saan naman nila maipagbili ang kanilang mga produkto.

Noong nagsimula ito, isa sa una — si Mayor Joy Belmonte ang isa sa una na nag-start nito pero LGU-based pa lang noon. Kaya’t nakita ng mga ibang LGU na maganda naman ang naging patakbo, kaya’t ‘yung ibang LGU gumawa na rin ng Kadiwa. Naisip namin dapat siguro eh gawin na nating national program dahil lahat naman sa buong Pilipinas ay nangangailangan. Kaya’t ika namin umpisahan natin doon sa mga LGU.

Dito lalong-lalo na sa NCR dahil talaga dito — kung titingnan ninyo ikumpara ang presyo ng bilihin from — ikumpara ‘yung presyo ng bilihin ay talaga naman ay makikita na mayroon talagang advantage para sa ating mga kababayan.

Kaya’t bukod pa roon ay palapit na nang palapit tayo sa presyo na aking pinapangarap para sa bigas especially dahil nakakapag-ano na tayo — naipapagbili na natin ng P25. Ubos kaagad ‘yan. Iyan sigurado ‘yan ang unang nauubos eh. Kaya’t gagawin natin ito national program na.

Hindi lamang sa mga LGU. Magtutulungan na ang Office of the President at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat ipagpatuloy.

At masasabi ko na kahit pagkatapos na ng New Year ay hindi naman namin ititigil ‘yung Kadiwa sa Pasko. Patuloy nang patuloy na ‘yan. [applause] Hindi na — hangga’t maaari ay patuloy ang Kadiwa para naging national program, para lahat ng buong Pilipinas ay makikita naman nila at makakatikim naman sila nung savings doon sa kanilang mga binibili.

Kaya’t palagay ko ay maging magandang pamasko ito pero parang — I hope it is the gift that keeps on giving. And that is what we have been working towards.

We have to thank siyempre ang ating mga LGU dahil sila talaga ang nag-take ng initiative nito. And again, your Mayor, Mayor Joy Belmonte was one of the first to put up the Kadiwa. Mabilis siya nag-respond kaagad noong nagtataasan na ‘yung presyo. [applause]

Kaya’t ‘yung Quezon City medyo model namin ‘yan eh. Tinitingnan namin ‘yung ginagawa ninyo because you do it on a different scale than the others. Kasi siyempre maliliit ‘yung iba compared sa Quezon City.

Kaya kung kakayanin nung sistema ninyo ang Quezon City, eh kakayanin ‘yung mas maliliit. Kaya’t we were looking and seeing ano ‘yung mga tinatawag — kung tawagin ay best practices ay tinitingnan namin para maging mas maganda.

Kaya’t nandito po ako para tingnan na maayos naman ang patakbo dito sa Quezon City ‘yung ating Kadiwa ng Pasko at mukha namang nagiging maayos at may nararamdaman naman na savings ang ating mga kababayan.

Kaya’t maraming salamat sa LGU, Mayor [applause]; to the whole Quezon City Government; ang ating mga local traders; ang mga suppliers; ang mga raliyista [cheers]. Parang nakikilala ko ‘yung mga boses niyo sa rally eh. [cheers]

Kayo ‘yung ‘pag pagod na kami, kayo ‘yung nagbibigay sa amin ng sigla dahil ang lakas-lakas ng sigaw ninyo. Tapos hinahanap niyo si Sandro, hindi ako. [cheers] Akala ninyo hindi ko alam, alam ko ‘yan.

Maraming, maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pakikilahok. Nagtutulungan po tayo. Kailangan po talaga tayong magtulungan, makahanap ng paraan na tayo ay magkasama. Tayo pagka sabay-sabay ang ating galaw, kahit na anong gugustuhin natin, kahit na ano na ating pinapangarap ay makakamtan po natin.

Maraming, maraming salamat po! Merry Christmas po! Happy New Year! [applause and cheers]


— END —

Watch here: Kadiwa ng Pasko sa Quezon City
Location: Quezon City Hall Risen Garden in Quezon City


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch