Publications

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pasko sa Valenzuela City

  • Published on December 17, 2022
  • |

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pasko sa Valenzuela City

Salamat po. Maraming salamat po. Magandang umaga. Pasalamat ako sa ating Special Assistant to the President si Secretary Anton Lagdameo sa kanyang pagpakilala. [Please sit]


Andiyan din po ang ating DTI Secretary, Secretary Fred Pascual at sila ay kasama dito sa proyektong ito, dito sa ating ginagawa na Kadiwa; at ang aming kasama sa mga rally na nahapo doon sa aming ginagawa na kampanya ngunit naging matagumpay pa rin, ang ating senador, Senator Sherwin Gatchalian; at ang kasalukuyang punong-bayan ng Valenzuela, punong-lungsod ng Valenzuela ay ang ating Mayor Wes Gatchalian. Mga magkakapatid na Gatchalian ay matagal na talagang nagseserbisyo sa Valenzuela.


At lahat po sa inyo magandang umaga po sa inyong lahat. At mabuti naman at marami na tayong nakikita na ganito na Kadiwa. Alam po ninyo, noong nagsimula kami na magbukas ng Kadiwa ay iilan lamang. Dito lamang sa Metro Manila. Wala pang 20. 


Tapos nung susunod na Sabado naging 40 na po. Tapos niyan, eh ngayon tinanong ko lang sa mga – sa ating mga organizer, sa buong Pilipinas labis na sa 350 na Kadiwa na ating nabuksan na at gumagana para mabigyan ng konting tulong ang ating mga kababayan na ngayon na tumataas ang presyo, ngayon na hindi natin malaman kung saan tutungo ang presyo ng mga bilihin at nasabay pa sa Pasko. 


Kaya’t ito pong Kadiwa – ang Kadiwa sa Pasko ay ang aming munting pagtulong para naman eh maging mas masaya ang ating Pasko itong taon na ito. 


At nagpapasalamat ako hindi lamang sa mga Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, pati na po ‘yung mga nagdatingan at nagdala ng kanilang ipinagbibili na local na manufacturer na [MSME] na maliliit. 


Kaya’t mabuti ito, itong Kadiwa, hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon ang taong-bayan na makabili ng mga kailangan na bilihin sa mas mababang presyo, ngunit nabibigyan din natin ng pagkakataon ang mga local producers, ng mga maliliit na produkto na mayroon silang merkado, mayroon silang palengke, kung saan sila maaaring pumunta at ipagbili ang kanilang mga ginawang gamit. 


Kaya po, marami po tayong nakikita na advantage dito sa ating ginagawa na Kadiwa ng Pasko.


Ngayon po, papaliwanag ko po. Alam ko ang nakapangalan ay Kadiwa ng Pasko. Ngunit parang ginawa namin itong pilot project lamang, hindi po at kahit na matapos na ang Pasko, ipapagpatuloy po natin ito para mayroon pagkukuhanan ang ating mga kababayan ng mas murang bilihin.


Kaya po ay maraming salamat sa lahat ng nakilahok. Maraming salamat sa lahat ng nag-trabaho para magkaroon tayo ng Kadiwa na ganito. Hindi lamang dito sa Valenzuela kung hindi sa iba’t ibang lugar pa sa Pilipinas. 


Kaya’t napaka – nakakatuwa po na makita ang inyong mga ngiti at maibati ko kayong lahat ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. 

-END-

Watch here: Kadiwa ng Pasko sa Valenzuela City

Location: Malanday National High School

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch