Maraming, maraming salamat. Thank you, Gov, sa iyong pagpakilala. Maraming salamat. [Paki-upo na – please sit down.]
‘Pag hindi kayo nakaupo hindi ko puwedeng habaan iyong aking speech nang husto. [laughter] At ang ating… Mayor Cañosa, maraming salamat at mabuti ay nakapunta kami rito.
Alam niyo mula noong dumating ang balita na bago ng Pasko na patuloy na patuloy na ‘yung ulan at hindi – na dumarating na ‘yung balita sa amin, mga reports sa amin na nagkakabaha ay gusto na naming makapunta ngunit ‘yung weather hindi kami makalipad, ayaw ng mga piloto. In fact, ‘yung galing kami sa Ozamiz, lilipad din kami doon sa flood-hit area, hindi na nakalipad ‘yung helicopter dahil masyadong mababa ang ulap.
Kaya’t this was our first chance. Ako ay nandito upang tingnan kung ano ba talaga ang nangyari at kung ano ‘yung mga kailangang gawin. At tiyakin na ‘yung mga nawala sa tahanan, mga evacuee ay nasa inyo lahat ng inyong pangangailangan.
At siyempre pagka may ganito, pagka may disaster na ganito, nagkabaha ay unang-una ay siyempre isinasalba namin lahat ‘yung mga na-stranded, dadalhin natin sa evacuation center. Bago ‘yun may pre-evacuation.
Pero ito talaga biglaan eh. Biglaan ito, walang masyadong warning na naibigay sa atin dahil mukhang ganyan ngayon ang panahon. Kung minsan kung titingnan mo maayos naman, sabi mo hindi naman umuulan, bigla na lang nagkakaroon ng malaking ulan. Kaya’t ganyan ang nangyari sa atin ngayon.
Kaya’t medyo nabigla tayo. Ngunit nakapag-respond kaagad ang LGU. Siyempre ang first responder lagi is the LGU and the LGUs are the ones that our frontliners at the very start ng isang disaster talaga sila ang una ninyong makikita.
At sumunod na diyan siyempre kinukuha lahat nung mga na hindi pa na-evacuate o biglang nadaanan ng baha. Tapos susunod diyan siyempre ito na ‘yung evacuation ‘yung pagsuporta sa inyo.
Kaya’t tinitiyak namin na lahat kayo na hindi pa makauwi sa inyong mga tahanan at nandito pa sa mga evacuation center ay nasusuportahan, naaalagaan, mayroon kayong kinakain, mayroon kayong tinutulugan.
At sa lalong madaling panahon gagawin namin ‘yung mga partially damaged. Kasi ‘pag tinitingnan namin ‘yung mga report, mayroon ‘yan how many households – ilang household ang sira. Mayroon ‘yung completely damaged, mayroon naman ‘yung partially damaged. Iyong mga partially damaged ‘pag puwede ng balikan eh magdadala rin kami ng rebuilding material para naman maayos ninyo ‘yung mga bahay.
Iyong mga completely destroyed na bahay ay titingnan natin kung pagawa na lang tayo – puwede pang magpagawa ng bago o dadalhin na namin sa resettlement center kung saan mayroong bibigay ang National Housing Authority na bibigyan ng pagkakataon para makatira doon sa ating mga resettlement areas.
Kaya’t patuloy ang aming ginagawa at titiyakin namin na habang nandito pa kayo, we will make sure na kayo ay – lahat ng pangangailangan ninyo ay nakukuha ninyo. Nandiyan ang ating mga magigiting na DSWD workers at masyadong mara… [applause]
Wala ng Pasko itong mga ito eh. Hindi na nag-Pasko itong mga ito dahil nga eh inaalalayan kayong lahat. Kaya’t patuloy ang kanilang trabaho. Hindi sila aalis hangga’t lahat kayo – unang-una hangga’t lahat kayo ay makauwi na at lahat kayo ay mabigyan na ng tirahan. Iyong iba pupunta sa inyong mga kamag-anak, iyong iba makabalik na sa inyong mga bahay.
Hangga’t umabot tayo sa ganoong sitwasyon ay hindi pa aalis ang pamahalaan dito at patuloy ang magiging tulong na ibibigay. Kaya’t nandito kami para mag-witness makasiguro na maayos ang ating pag-distribute ng ating mga relief goods at lahat ng kagaya ng aking nasabi hindi lamang pagkain kung hindi ‘yung mga ibang pangangailangan din.
Kaya’t ako’y mabuti naman at nabigyan ng pagkakataon para makita ko, makilala ko kayong lahat, at makita ko kayo [applause] makita ko kung ano ang inyong – ano talaga ang sitwasyon. Naiba ‘yung nasa Maynila ka lang eh at nakikita mo sa television, nagbabasa ka ng report. Ibang-iba talaga ‘pag nakarating ka at makita mo ng sarili mo kung ano ba talaga ang naging problema.
Kaya’t pinilit ko na makarating dito. Hindi ko naman akalain na 16 years pala ang hinantay ninyo para makabisita ang inyong Pangulo. Well, hindi ko kayo pagaantayin ng 16 years, asahan ninyo ‘yun. [applause]
Anyway, itong ating mga Kabataang Barangay — ba’t ang daming kabataan – ? Doon pa lang sa landing-an namin sinalubong na kami ng mga KB. Pero alam ninyo ang bagong kahulugan ng KB ngayon sabi ni Senator Imee? Katandaang barangay na daw. [laughter] Kaya ‘yung mga tayo ‘yung namimilit pa rin, nagtatanggap pa rin, eh sabi ni Boss Imee sabi “katandaang barangay” na tayong lahat. [laughter]
Anyway I’m sure — kaya’t nandito ang mga KB. Ang mga KB na ‘yan hindi na — ang KB sa training ng KB habang buhay ‘yan nagseserbisyo ‘yan sa tao. Hindi umaalis sa serbisyo sa tao. Kaya’t magandang makita sila rito hanggang ngayon. Ilang taon na ito? Tatlumpung taon na, apatnapung taon na ito eh sila ay patuloy pa rin ang serbisyo.
Iyan din ang inyong gobyerno, ganyan din ang inyong pamahalaan. Patuloy lang ang aming pag-monitor sa inyo at pagtiyak na kayo ay secure, kayo naman ay kahit papaano nabibigyan ng tulong, at ginagawa namin lahat upang makauwi na kayo at mabalik na kayo sa inyong mga tahanan at makabalik na kayo sa inyong mga trabaho. Basta’t sana naman ang ating – ang weather natin ay huminahon nang kaunti at pagbigyan tayo nang kaunti at kami ay susuporta para makabalik na sa normal.
Maraming, maraming salamat sa inyong lahat. [applause] Maraming salamat sa inyong mainit na salubong at maraming salamat sa lahat ng inyong naging tulong sa nakaraan.
At ito naman, dito naman sa Butuan, dito kami dapat pupunta noon na hindi kami makapasok dahil sa weather. Dito naman ang hindi kami makapasok, hindi doon sa Ozamiz. Doon kami sa Ozamiz naiwan.
Pero at least ngayon nabigyan na ako ng pagkakataon. Kaya’t maraming salamat sa inyong salubong at asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan, ang inyong gobyerno ay nandito at binabantayan kayo at tinitiyak na kayo ay nagiging – nababalik na sa normal na inyong buhay.
Maraming salamat. Magandang tanghali po sa inyong lahat. [applause]
— END —
Watch here: Distribution of Various Government Assistance to the Victims of Heavy Rains and Flash Floods in Gingoog City, Misamis Oriental
Location: Gingoog City Hall in Gingoog, Misamis Oriental