Thank you very much. Thank you very much for your introduction. [Please take your seats.]
Thank you very much for your kind introduction our Speaker of the House of Representatives, Speaker Martin Romualdez. Nandito rin po at nagpapasalamat tayo sa napakagandang salita na ibinigay ng ating butihing mayor, Mayor Jonas, thank you very much and… [applause] Sa palagay ko may katotohanan ‘yung iyong sinasabi because this is the place where the heart is. I can feel the love. [cheers and applause]
Ang ating mga – nandito po kasama po natin ang ating mga Cabinet secretary, nandito po si Secretary Fred Pascual ng Department of Trade and Industry, nandito rin po ang ating Kalihim ng DOLE, Secretary Benny Laguesma is also here with us this afternoon. Sinamahan po kami sa aming pag-iikot galing po kami sa Cebu City at ininspeksyon lang namin ‘yung bagong Kadiwa na dinala na namin sa Cebu City.
Baka kung hindi niyo po pa alam ‘yung Kadiwa ay ang aming ginagawa ay nagtatayo kami ng palengke para magbigay at makapagbigay at makabili ang ating mga kababayan ng mga bilihin na mas mura kaysa nasa palengke. Dahil alam naman natin ngayon kahit na nabawasan na ang pandemya, mayroon pa ring tayong mga problema. Kaya’t patuloy pa rin, at sinimulan namin ‘yung Kadiwa noong Pasko. Ang tawag namin “Kadiwa ng Pasko.”
Wala ng Pasko pero sabi ko ituloy na rin natin kaya’t napangalan na ngayon ng “Kadiwa ng Pangulo.” ‘Yung una ay binuksan namin sa Cebu City palagay ko susunod na ang buong probinsiya ng Cebu. [applause]
Noong nandoon kami sa Kadiwa pinaalala sa akin ni Governor Gwen sabi niya, “Do you know that this is the first time that you have come back to Cebu since the election?” Nagulat din ako kasi parang kailan lang ay nandito tayo at nagkakampanya at… Kaya naman ito na ‘yung aking unang pagkakataon na maibigay sa inyo ang aking pasasalamat sa inyong tulong, sa inyong suporta, sa inyong pag-alala hindi lamang noong nakaraang kampanya, hindi lamang noong halalan ngunit tuloy-tuloy hanggang ako’y nakaupo na kayo’y nandiyan pa rin at nararamdaman ko pa rin ang inyong pagmamahal, ang inyong suporta. At ganyan tayo dahil nga ang aming isinisigaw noong kampanya ay dapat tayo’y magkaisa at dito sa ating pagkakaisa tayo ay babangon muli.
Kaya’t nandito tayo ngayon ulit nagpapasalamat ako sa inyo at sinisimulan na natin ang ating pinag-usapan, ang ating mga nabanggit na problema na hinaharap ng ating lipunan. Kaya naman tayo ngayon ay nandito para makapagbigay ng kahit kaunting tulong sa ating mga kababayan. Dahil nga kahit na hindi na tayo nagkakasakit na gaano, hindi na kailangan inalala kagaya ng dati ‘yung pandemya at marami pa rin sa atin ay nahihirapan.
Kaya’t nandiyan naman kami kaya naman ‘yan ang trabaho namin sa pamahalaan na alamin kung sino ang nangangailangan ng tulong at kung papaano namin tutulungan lahat ng sa aming palagay ay matutulungan ng pamahalaan.
And this is another opportunity for us to do that and I would just like to make sure — kaya po kami nandito we wanted to make sure that this – itong ating ipinamimigay ay tuloy-tuloy pa rin hanggang dumating na ‘yung araw – sana malapit na – at dumating na ‘yung araw na hindi na kailangan ang tulong ng pamahalaan dahil kayo na’y may trabaho, kayo na ay may magandang tinitirahan, may maganda na kayong…
Nabanggit ko ‘yung tinitirahan dahil nagbukas din kami sa Cebu City, nag-ground breaking kami ng housing program, ng housing project dahil [applause] para ito socialized, low-cost housing ito para nga sa mga informal settlers, para ‘yung mga hindi makahanap-hanap ‘yung mga squatter ngayon tinatawag na informal settlers lahat po ng nangangailangan ay gumagawa kami ng pabahay sa buong Pilipinas at ang aming pangarap ay umabot sa isang milyon na bagong tirahan bawat taon para sa pagkatapos [applause] sa pagkatapos ng aking termino ay anim na milyon na ang matatapos na tirahan. At ‘yang tirahan na ‘yan pagka naabot natin ‘yung 6 million na tirahan ay masasabi natin karamihan na talaga ng Pilipino ay nabigyan natin ng bahay, nabigyan natin ng apartment, nabigyan natin ng disenteng tirahan, disenteng tahanan.
Kaya po hindi po namin ititigil, hindi ko po makalimutan ang init ng inyong pagsuporta, hindi ko po makakalimutan. Kaya’t lagi kong iniisip the support and the affection that I receive from you I have to pay back. And if it takes the rest of my life, I will happily spend the rest of my life paying it back to you. [applause]
Maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Daghang salamat at magandang hapon po sa inyong lahat. [applause]
— END —
Watch here: Distribution of Various Government Assistance in Mandaue City
Location: Mandaue City Cultural and Sports Complex in Mandaue City, Cebu