Maraming salamat sa ating butihing Kalihim ng Department of Human Settlements [Please take your seats.] ang ating Secretary, Secretary Jerry Acuzar. I thank also the House Speaker Martin Romualdez for reminding us that this is actually a continuation of what was a program that was began in my father’s time.
At ang pananaw ng aking ama sa human settlements, noon ‘yung Ministry of Human Settlements, ang kanyang tingin sa human settlements hindi housing lamang. Ang tawag niya – dapat sabi niya dapat magmalaki tayo dahil ang Pilipinas ang unang bansa sa buong mundo na nagkaroon ng urban land reform, and that is essentially what housing is.
I also greet the members of the Cabinet; of course our good lady governor, Governor Gwen Garcia; and Cebu City Mayor Mike Rama, hindi ‘yan mistake ha ‘yung sinabi niya sinadya niya ‘yun, kanina pa niya pinaplano ‘yung pagbati sa’yo [laughter]; my fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen, good morning.
Masaya naman ako at makasama kayong lahat nitong araw na ito para sa groundbreaking ceremony ng pabahay para sa kababayan nating Cebuano. [applause]
Ito po ay isa sa mga inisyatibo at flagship housing project ng gobyerno sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing o ang 4PH na pinangungunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development.
Layunin po ng programang ito na makapagpatayo ng isang milyong pabahay sa bawat taon ng aking termino bilang Pangulo. Dahil ang kakulangan ng housing para sa ating mga kababayan ay tamang-tama umabot na sa 6 million ang kulang. Kaya’t hinahabol po natin ‘yang 6 million na numero na ‘yan.
Isa po ito sa mga solusyon upang maibsan ang problema ng kakulangan ng bahay sa ating bansa at mabigyan ng disente at komportableng pamumuhay ang ating mga kababayan.
Alam ko na ito ay isang malaking hamon, ngunit buo ang tiwala ko na hindi ito imposible.
Sa tulong ng mga masisipag na kawani ng DHSUD, na pinangungunahan ni Secretary Jerry Acuzar, naniniwala ako na kayang-kaya natin itong makamit sa ilalim ng aking panunungkulan. [applause]
Kaya naman ulit kong hinahamon ang DHSUD na manatili kayong matatag upang matupad ang ating pangakong mura at maayos na pabahay para sa mga kababayan nating nangangailangan.
Ito po lahat naman po siguro ng mamamayan hindi lamang dito sa Pilipinas ay ang kanilang pangarap ay magkaroon ng sariling tirahan, may sariling tahanan. Kaya po ay ginagawa po natin upang maging katotohanan ang kanilang nagiging pangarap.
Marami-rami po tayong bahay na dapat na itayo kaya hangad ko na patuloy nating itaguyod ang programang ito.
Nagsisimula na po tayo sa paghahanda ng mga lupa at pagtatayuan ng mga housing units sa ilalim ng 4PH program.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DHSUD sa ating mga LGUs upang makapagpatayo ng mas marami pang bahay sa iba’t-ibang parte ng bansa.
Ito ay isang halimbawa sa ating approach na ginagawa na sinasabi whole-of-government ang tumutulong. Kagaya rito hindi magiging matagumpay ang programang ito kung hindi tayo nag-uugnayan at nagsasamahan at nagsasanib puwersa ng national government at saka ng mga local government. Kaya’t ay lahat ng departamento na kailangan na makilahok doon sa lahat ng programa hindi lamang ang housing, hindi lamang ang mga LGU, kung hindi lahat ng ibang – iba’t iba kasi kasama rin natin diyan ang House of Representatives, kasama natin ang mga senador, kasama natin siyempre ang ating private sector na tumutulong sa atin. Kaya’t lahat ng ating kakayahan at ibinibigay natin para maging totoo ang pangarap ng ating mga kababayan na magkaroon ng sariling tahanan.
Kaya naman narito tayo ngayon upang siguruhin na hindi mapag-iiwanan ang mga kababayan natin dito sa Cebu City.
Ang proyektong ito at iba pang mga pabahay ng 4PH ay para sa mga minimum wage earners, ang ating mga informal settlers, mga nakatira sa mga danger zone, at sa mga kababayan nating naghahangad ng mura, simple, at komportableng bahay. [applause]
Sisiguruhin natin na mananatiling abot-kaya ang buwanang hulog at bayad para sa mga bahay na ito kaya patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa Kongreso upang maging matagumpay ang programang ito.
Pinasasalamatan ko rin ang lokal na pamahalaan ng Cebu City sa inyong buong suporta sa pagpapatayo ng ating pabahay.
Sama-sama po nating tiyakin na ang mga itatayong bahay ay matibay, de kalidad, at hindi basta-basta masisira, kahit dinaanan ng bagyo, kahit abutan ng lindol ay makikita natin at nakatayo pa at maganda pa rin ang kanilang mga tirahan.
Dapat din po nating masiguro na ang ating mga kababayan ay nakatira sa ligtas na kapaligiran [at] produktibong komunidad.
Kasama rin sa ating mga plano ang makapagpatayo ng mga pasilidad tulad ng paaralan, palengke, health centers, at ilang istrakturang pangkabuhayan sa komunidad. [applause] Kaya po ang tawag sa department ay hindi po Department of Housing na nagtatayo lamang ng bahay. They are the Department of Human Settlements, nagtatayo po tayo ng human settlement. Kaya’t kailangan hindi maaaring bahay lamang. Kailangan lahat ng pangangailangan kagaya ng nabanggit ko: mga palengke, mga eskuwelahan, pati simbahan, pati para paglalaruan ng mga bata, hindi malayo sa trabaho ng mga magulang, ito po ay kailangan lahat isipin.
At mabuti na lang at nakahanap tayo ng isa na sanay na sanay na developer dito sa ating Secretary, si Secretary Jerry, at sanay na sanay at nakita naman natin sa pribado – sa kanyang pribadong negosyo ay napaka-successful lahat ng programa niya at dinadala niya hanggang dito ‘yan. [applause]
Alam niyo po ito lang ang nakita kong minister – ito lang ang nakita kong secretary ‘pag kulang ‘yung heavy equipment dadalhin niya ‘yung sarili niya para ipagagamit sa amin. [laughter] Oo totoo ‘yan hindi ako nagbibiro. Nangyari na – ilang beses na nangyari ‘yan. Kaya’t mapalad tayo na mayroon tayo na tumutulong sa atin na ganyan kahusay at ganyang kadesidido na maging matagumpay ang programa natin.
Ang tangi ko lamang pakiusap sa ating mga benepisyaryo ngayong araw: Sa panahon na matapos ang inyong mga bahay, sana naman po ay pangalagaan ninyo ito at panatilihing malinis at maayos ang inyong pamamahay at kapaligiran.
Ngunit ako’y nakakatiyak dahil alam naman natin ang Pilipino kapag kayo sila mismo ang may-ari ng kanilang bahay ay ito ay talagang aalagaan nila.
Layunin at hangarin ng pamahalaan na mabigyan ang bawat pamilyang Pilipino ng masagana, ligtas, at masayang pamumuhay.
Kaya naman, inuulit ko, magtulungan po tayo para sa ikatatagumpay ng programang ito.
Gawin po natin ang lahat ng ating kakayanin upang makamit ang pangarap na bahay ng bawat Pilipino.
Daghang salamat! Mabuhay po tayong lahat! Magandang umaga po.
--- END ---
Watch here: Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr.
Location: South Road Properties in Basak San Nicolas in Cebu City