Publications

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo

  • Published on March 01, 2023
  • |

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo

Maraming salamat sa ating Usec. Ding Panganiban ng Department of Agriculture.

Magandang umaga po sa inyong lahat, lahat po ng nakikilahok po dito sa ating Kadiwa. Napaparami na po at ito ‘yung Kadiwa na nagsimula noong Pasko, ang tawag namin dati ay Kadiwa ng Pasko.

Noong natapos na ‘yung Pasko, sabi ng mga iba ipagpatuloy daw namin. Kaya’t ginawa na naming Kadiwa ng Pangulo at pinaparami natin ito sa buong Pilipinas. Hindi lang po rito kung hindi siguro halos 500 na lugar ang ating natayuan ng Kadiwa.

Kasama po natin diyan siyempre ang DTI, ang Trade and Industry, ang Department of Agriculture, at lalong-lalo na ang ating mga local government unit. Kaya’t itong pinagsama-sama natin ‘yung ating tinatawag na whole-of-government approach para sa lahat ng problema.

Lahat ng ahensya ng pamahalaan, lahat ng departamento na kasama sa ganitong klaseng programa ay nagtutulungan para maging matagumpay ang ating mga programa kagaya nitong Kadiwa.

Bukod sa Kadiwa dito sa ating ginawa, napuntahan din namin ‘yung urban gardening at binuksan lang natin ngayon ‘yung urban gardening para sa gulay at saka sa prutas. Ang ginagawa natin dahil nagkakaproblema tayo sa bilihin at tumataas ang presyo ay sinasabi natin, bakit hindi ang ating mga kababayan ay sila na ang magtanim para mayroon sila doon sa mga gilid-gilid ng kanilang mga tinitirahan ay magtanim sila ng gulay, maglagay sila ng prutas at mayroon pang ibang kasamang project galing naman DILG na barangay-based.

Itong barangay-based na project ay ‘yung barangay ay mag-identify ng lupa para ‘yun ang tataniman ng mga tiga-barangay na ‘yun. Lahat sila magshe-share sila ngayon doon, paghahati-hatian nila ang mga aanihin nilang gulay at saka prutas para ulit ay mayroon tayo, may suporta ang pamahalaan  diyan at bibigyan natin sila ng mga inputs, at kung kailangan turuan, gagawin din natin ‘yun.

Mayroon diyan na pinakita sa atin ay nasa greenhouse na at siguro sa scale na ‘yan, kung ganyan lang kaya siguro ‘yan sa barangay dahil ang sabi sa akin 100,000 puwede na tayo magkaroon ng ganyan.

So maliit lang na gastos ay malaking bagay dahil ang maaani natin sa ganyang klaseng sistema ay sapat para sa napakaraming pamilya.

Kaya po pinagpapatuloy namin ito at nauunawaan po ng ating pamahalaan, ng inyong pamahalaan na talaga naman ay nahihirapan ang tao dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na ng pagkain.

At ‘yan ay ang aming -- kailangan talaga namin gawin ‘yan dahil hindi natin pababayaan ang ating mga kababayan. At sinabi ko na ilang beses ang aking pangarap sa aking administrasyon ay sana ay wala ng gutom na Pilipino.

Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyong lahat. [applause]

--END--

Watch here: Kadiwa ng Pangulo

Location: Burnham Green in Rizal Park, Manila 

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch