Publications

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo in Batangas

  • Published on March 01, 2023
  • |

Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo in Batangas

Maraming salamat ating butihing Mayor. Akala ko ‘yung pinuntahan ko Kadiwa, rally pa ito eh. [laughter] Naaalala ko tuloy ‘yung ating kampanya. Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyo.

Binabati ko lang po ang ating City Government nandito po; ang ating Sangguniang Panlungsod na pinamumunuan ng ating Vice Mayor; ang mga barangay officials na nandito; at lahat ng nakilahok dito sa Kadiwa, magandang umaga po sa inyong lahat at salamat po sa inyong lahat.

Dahil po ay – nagsimula po itong Kadiwa… Ang katotohanan nito ang Kadiwa nagsimula ito noong panahon pa ng tatay ko. Noong nakita namin tumataas ang presyo ng mga bilihin ay binuhay namin ulit. At ang sikreto dito ay ginagawa namin ay diretso na galing sa mga farmers ay tuloy-tuloy na dinadala na dito sa Kadiwa para wala ng dagdag presyo.

At bukod pa roon, ang ginagawa natin ay binibigyan din natin ng pagkakataon ang mga local MSMEs na talagang nahirapan noong lockdown, noong kalakasan ng pandemya. Kaya’t ito ay pagkakataon para ‘yung mga produkto naman na ginagawa ng mga lokal ay mabigyan ng merkado para mayroon silang mapuntahan at ipagbili ang kanilang mga magagandang produkto.

Naikot ko po at marami dito sa mga nagtitinda ay wala ng laman at naubos na. Kaya’t mabuti naman at malakas ang benta. Kaya ‘yan ang ating hinahabol.

Ito po ay nagsimula ay tawag namin dito noong umpisa ay “Kadiwa ng Pasko.” At noong Pasko sabi namin baka naman mayroon tayong magawa para naman mas magaan, mas maganda, at mas maging masaya ang Pasko natin. At ‘yan ay binuhay namin ‘yung Kadiwa.

At kasama po natin lahat diyan ang Department of Agriculture, ang Department of Trade and Industry, at siyempre ang pinakaimportante diyan lahat ay ang kooperasyon ng national government at saka ng LGU. Hindi po namin magagawa ito kung wala – kung hindi tumulong ang LGU.

Kaya’t ito ‘yung magandang pagsasama at pagkakaisa para makipagtulungan para nga makapagbigay tayo ng tama na presyo para sa ating mga bilihin.

At ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat na lalong-lalong na lahat ng nakilahok dito, lahat ng pumunta rito, lahat ng nagdala ng kanilang produkto, at ito po ay magbubuhay sa ating ekonomiya.

Ang ekonomiya po natin karamihan po ay MSMEs, ‘yung maliliit po na negosyo. Kaya naman iyon ang nahirapan noong dumaan ‘yung pandemic at talagang ang daming nagsara na negosyo, ang daming nagsara na iba’t ibang businesses, at nawalan ng trabaho ‘yung ibang tao.

Kaya’t ‘yun ang inuna namin. Sabi namin gamitin natin lahat ng kakayahan ng pamahalaan upang tayo naman ay makatulong, maibangon ulit ang ating mga maliliit na negosyante. Kaya’t kasama sila dito, kasama kayo dito sa ating Kadiwa.

Sana naman po ay ito po ay pinaparami po namin. Hindi lang po rito sa Sto. Tomas, hindi lang po sa Maynila, kung hindi pati na sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas. At sa huling bilang ko ay nakalampas na tayo sa 500 na Kadiwa na ginagawa sa buong Pilipinas. [applause]

Kaya’t pararamihin po natin ‘yan kagaya nga… Basta’t nagkakaisa at nagsasama lahat ng ahensya ng pamahalaan, lahat ng local government, at lahat ng ating mga producers, kasama na ang ating mga magsasaka ay ‘yan po ay makikita natin magiging matagumpay po itong programang ito.

Kaya’t maraming salamat po sa inyong lahat sa inyong tulong – sa pagtulong ninyo sa ating kapwa Pilipino at sa pagtulong ninyo sa pag-ahon sa ekonomiya ng Pilipinas.

Magandang umaga po at marami pong salamat. [applause]


--- END ---

Watch here: Kadiwa ng Pangulo in Batangas

Location: Malvar Park, Sto. Tomas Municipal Grounds in Sto. Tomas City, Batangas

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch