Publications

Media Interview with President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa

  • Published on March 08, 2023
  • |

Media Interview with President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa

PRESIDENT MARCOS: ... na Kadiwa under the auspices of DOLE and Secretary Benny, we have initiated this Kadiwa specifically para sa ating mga manggagawa. Kaya’t – it’s the same thing as we have done before ngunit ito’y naiba... [Ay natanggal] [laughter] [Ms. Chona Yu: Mic ko ‘yan sir para maganda ang audio.] [Ayan.]


Ito ‘yung ginagawa natin ngayon pero specific para sa mga manggagawa. So patuloy na patuloy lang itong program ng Kadiwa because ngayon nag-iisip na kami to evolve it, hindi itong mga pop-up kung tawagin, kung hindi mayroon na tayong permanent na Kadiwa center sa iba’t – mga LGU. Pinag-iisipan na namin kung saan puwede ilagay ‘yan.


Anyway, that’s the event for today. You have questions for me?


Q: Sir, good morning.


PRESIDENT MARCOS: Good morning.


Q: Kahapon sir sumakay kayo sa flight demo ng FA-50, may we know how was your experience? Can you tell us more? And also, sir, nagawi kayo doon sa bahagi ng West Philippine Sea?


PRESIDENT MARCOS: Sa?


Q: Napunta kayo doon sa may area ng West Philippine Sea sa may Zambales? Anong na-observe...?     


PRESIDENT MARCOS: Hindi naman, hindi kami masyadoong lumapit doon. We were – along the coastline lang kami. Pero matagal ko ng actually gustong gawin ‘yun pero hindi ako naging piloto. Kaya’t nag-take advantage na ako.


Kasi nabanggit ko na noong lumilipad ‘yung mga fighter jets doon sa pag-uwi namin galing sa mga bisita, eh nabanggit ko sabi ko masarap siguro makasakay man lang. So pinagbigyan naman ako at...


Ma-ano… Talagang very, very interesting at parang ma... Buti na lang ‘yung inaalala ko lang baka naman mahilo ako. Hindi naman, hindi naman, at mabait ‘yung piloto ko at hindi ako masyadong pinahirapan.


But it was a fantastic experience that I’m sure everybody – marami na akong nakuhang text message, “nakakainggit ka.” Talagang very – it is a very unusual and much desired experience para sa aming lahat. So I’m very happy I was able to do it.


Ang gagaling talaga ng piloto natin. That’s why we have to continue to encourage the modernization of our Armed Forces para ‘yung capabilities natin ay mas tumibay pa.


And we saw some of the capabilities that were demonstrated to me during the flight and we can see how important this increase in our capabilities is going to be, especially in the defense of our maritime territory.



Q: Sir, can you give us more details po sa meeting niyo with transport groups and paano nag-come up doon sa decision sir na ihinto nila ‘yung tigil-pasada?



PRESIDENT MARCOS: Well, I’m glad that – ako’y nagpapasalamat naman sa kanila na sa palagay ko ay naramdaman nila, they have made their point and they have… They have made their point very clearly na kailangan natin tingnan at pag-aralan nang mabuti.


Ito ‘yung sinabi ko na noon na balikan natin itong sistema na sa pagpalit ng ‘yung sa jeepney at saka sa mga bus at saka sa mga iba’t ibang transport areas ay kailangan natin tingnan nang mabuti na hindi tayo nagbibigay ng dagdag na pahirap para sa ating mga transport workers.


Of course, napakaimportante na safe ang kanilang mga sasakyan at kapag tayo nga ay papasok sa era ng electric vehicles ay dadahan-dahanin natin.


Ngunit ang problema yata, ang problema na kanilang sinasabi ay baka hindi sila mapautang para makapagbili ng bagong sasakyan. Kaya’t ‘yan ang tinitingnan namin ngayon na tiyakin na walang mawawalan ng trabaho dahil hindi nakapagbili ng electric vehicle, pagdating ng panahon. Wala pa tayo doon.


Pero sa ngayon, ang ginagawa lang natin tiyakin lang natin na safe ang ating mga sasakyan, na hindi malalagay sa alanganin ang mga pasahero, ang mga commuter, at maganda naman ang aming usapan at nabigyan natin ang sarili natin together with the transport groups and the government nang kaunting oras para December 30 — nag-postpone tayo hanggang December. Sa palagay ko sapat na na panahon ‘yung upang magawa na natin lahat ng kailangang gawin para ayusin ang sistema ng pag-inspeksyon at pagpalit ng ating mga jeepney, ating mga transport workers.


Q: Good morning, Mr. President.


PRESIDENT MARCOS: Good morning.


Q: Sir, ang sabi po ng Coast Guard hindi kayang i-contain ‘yung oil spill sa Mindoro sa loob ng isang buwan. So ano po ang plano ng pamahalaan? Ano  ang inyong direktiba sa concerned agencies kasi may 15,000 fishermen na apektado at may siyam na bayan na nasa state of calamity? Ano pong tulong ang maibibigay?


PRESIDENT MARCOS: Well, ang aking instruction sa — well together, DOLE, DSWD, ‘yung cleanup. Kasi ‘yung mga mangingisda hindi makapangisda ngayon, bawal mangisda. At kaya’t wala silang hanapbuhay, pinalitan natin ng cash-for-work program dahil sila ngayon ang maglilinis.


At binabantayan namin nang husto, lahat naman and – lahat ng – pati, hindi lamang pamahalaan kung ‘di pati na ang mga private corporations na mayroong equipment, pati na ang Japan na nagpadala ng tulong at ito’y malaking bagay upang ‘yung hindi pa naka – ‘yung langis na hindi pa umaabot sa lupa ay puwede na nating harangin.


Ngunit, mayroon na talagang umabot dahil hindi natin nahanap noon kung saan ‘yung barko. Ngayon, nahanap na. Alam na nila ‘yung location nung barko. Mula doon makikita na natin kung saan dumadaan ‘yung langis kaya’t medyo ma-forecast na natin kung saan pupunta.


Noong una, hindi natin alam, hindi natin alam kung saan nanggagaling ‘yung langis. At... So lahat nung mga lugar, lalo na ‘yung mga fishing sanctuary, ‘yung mga tourist areas ay ‘yun ay talagang babantayan natin at kung mangyari na abutan talaga doon – pumunta sa lupa ‘yung – sa shoreline ang langis ay talagang maglalagay – gagawa tayo ng programa ng pag-cleanup para makabalik  sa trabaho lahat ng tiga-roon.


But in the meantime, habang wala pa ay sila ay – they are engaged in the cash-for-work program sa cleanup. ‘Pag natapos na ‘yun, puwede na silang mangisda ulit, puwede silang bumalik sa trabaho nila. And hopefully, kung hindi kaya ng one month, hopefully less.


Kasi ‘yung Guimaras na oil spill, apat na buwan bago na-cleanup. Siguro naman this time kasi mas bawas nang kaunti ang oil spill ay mas mabibilisan natin. Kahit na hindi sa isang buwan. Hindi naman siguro natin paabutin ng apat na buwan.


All right? Thank you.


--- END ---

Watch here: Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa

Location: Trade Union Congress of the Philippines Compound in Quezon City


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch