Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo Para sa Mga Manggagawa

  • Published on March 08, 2023
  • |

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo Para sa Mga Manggagawa

Maraming salamat sa ating kalihim ng DOLE, Secretary Benny Laguesma. [Oh, please take your seats.]

Nandito rin po ang nagsalita at nag-welcome sa atin, ang ating butihing Deputy Speaker, Deputy Speaker Democrito Mendoza. Alam niyo po madaling-madali ko pong maalala ang pangalan niya dahil malapit na malapit po ‘yung kanyang ama sa aking ama dahil lahat ng isyu ng labor ay talagang dinadaan niya doon sa senior ‘di ba? Iyong mga senior natin talaga sila they work very, very closely together for very, very, many years.

Malaking paghahanga ng aking ama sa inyong ama dahil talagang ang kanyang pag-iisip ay inuuna lagi ang manggagawang Pilipino.

Nandito rin po ang ating DTI Secretary, Secretary Fred Pascual dahil sila ay kasama rin dito sa ating pagbuo ng Kadiwa na ating ginagawa kung saan-saan na ngayon; at Vice Mayor Sotto is also here; ‘yung ating mga representatives from the TUCP; at lahat ng mga nakilahok dito sa ating Kadiwa ng Pangulo na Para sa Manggagawa.

Ito po ay aming sinimulan noong Pasko at nakikita po naman na natin na pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin kaya’t ginawan namin ng paraan. At binalikan natin ‘yung dating sistema na idirekta na mula sa mga magsasaka hanggang dito sa Kadiwa ay hindi na dumadaan kung saan-saan pa na middleman. At kung anuman ang pangangailangan upang madala ang produkto sa Kadiwa ay ang gobyerno na ang gumagawa para sa ganoon ay makapagbili tayo – maipagbibili natin itong mga bilihin na hindi kagaya sa mga supermarket na napakamahal na kundi ay naibaba natin ang mga presyo.

Kaya’t nakikita natin marami tayong nababalitaan na nagtataasan ang presyo. Dito po sa Kadiwa ay makikita natin na malaki ang savings, malaki ang bawas doon sa presyuhan. 

At kaya naman ay sinimulan namin ito noong Pasko, may Kadiwa ng Pasko. Tapos sabi ng tao ay gusto naman natin ‘yung Kadiwa ba’t niyo ititigil pagkatapos mag-Pasko? ‘Di ipinagpatuloy namin hanggang naging Kadiwa ng Pangulo.

Isang beses nagmi-meeting kami sa Palasyo, binulungan ako ni Secretary Laguesma, sabi niya, siguro naman dahil inaasahan natin at marami tayong pinapagawa sa ating mga manggagawa ay gawan naman natin ng Kadiwa para sa kanila.

Sabi  ko naman ay karapat-dapat lang naman na gawin ‘yun dahil umaasa tayo sa ating mga manggagawa sa pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas.

At hindi... Kagaya ng nabanggit ng ating butihing Congressman ay sinabi ko talaga noon pa kasi sa pag-aaral ko, ‘pag nag-industrialize ang isang bansa, kung minsan naiiwanan ang labor.

Kaya’t sinasabi ko lagi huwag natin pabayaan mangyari ‘yun dahil napakalaki ng ating labor force, napakadami ng mahihirapan kung talagang hindi natin alagaan nang mabuti at bantayan nang mabuti ang kanilang kalagayan habang yumayaman ang Pilipinas ay maganda ang takbo na ngayon ng ekonomiya. Palaki nang palaki na ang ekonomiya natin. Naipagmamalaki natin na ang performance dito sa Pilipinas ay siguro katumbas na kung hindi mas maganda pa sa mga iba’t ibang bansa. 


Kaya’t titingnan po natin na hindi naman kung ilan lang sa ating lipunan ang yumayaman at gumaganda ang buhay kung hindi lahat po hanggang sa labor, hanggang sa lahat po, sa ating mga magsasaka, lahat po ng sektor ng ekonomiya ay kailangan nating tiyakin na sila ay nakakaramdam din nung pagpaganda ng ating ekonomiya.

Isang bahagi ‘yan itong Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa dahil alam naman – marami po tayong naririnig na report, nababasa na report na natataasan ng presyo ang ating mga manggagawa. Eh sabi ko, ‘di maganda nga ‘yung idea ni Cong – ah ni Congressman – ni Secretary Laguesma na maggawa tayo para talaga tinutukoy ang mga ating manggagawa.

Kaya’t nandito po ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa ay sana po ay pararamihin po natin. We have identified many more areas na puwedeng paglagyan nitong Kadiwa Para sa Manggagawa.

At sa kabila naman niyan ay mayroon talaga, dumadami na ‘yung ating Kadiwa sa buong Pilipinas. At siguro nakakailan na tayo? We have almost – 500 more or less ang ating Kadiwa na.

‘Yung iba diyan ay dagdagan na lang natin para lalagyan natin na specific para talaga sa mga manggagawa natin. Kaya’t malaking bagay po ito para maipagpapantay natin ang trato ng ekonomiya sa ating mga – lahat ng ating mga kababayan. Hindi lamang ‘yung mga mayaman, hindi lamang ‘yung mga may kaya, hindi lamang ‘yung may trabaho, kung hindi lahat po ng ating mga mamamayan ay dapat nating inaalalayan at iniisip kung papaano pagandahin ang buhay. Ito po ay isang bahagi roon at sana naman paramihin natin ‘to at asahan ninyo at hindi namin titigilan po ito hanggang masabi natin na ang bilihin ay bumaba na ang presyo.

Baka sabihin natin kahit na bumaba ang presyo ng mga bilihin, ipagpatuloy pa rin natin ang Kadiwa dahil kahit papaano may savings pa rin ‘yan kung ang gobyerno ang gumagawa.

Kaya’t maraming, maraming salamat sa inyong lahat, sa LGU, sa inyong – hindi po magagawa ito ng – ang Kadiwa kung hindi kasama po ang LGU, sa Department of Agriculture, sa DTI, at ngayon ang Department of Labor and Employment ay sila ngayon ang nagbigay ng initiative para dito sa Kadiwa ng Manggagawa.

Kaya’t maraming salamat sa lahat – lahat sa inyo na nandito at nakilahok. Hindi lamang ‘yung mga namimili, kung hindi pati na ang ating mga nagbebenta ng kung ano-anong mga produkto. 

Hindi lamang ang agricultural products, hindi lamang ‘yung mga gulay, hindi lamang ‘yung mga prutas, hindi lamang bigas, asukal, kung hindi pati na ‘yung mga ginagawa ng mga local na MSMEs, ‘yan  po ay ‘yung mga maliliit na negosyo na kinukuha ang agricultural products at pino-process nila. At marami tayong nakita ngayon pagpasok natin na mga pina-process na iba’t ibang bagay upang mabigyan din sila ng isang palengke, isang merkado kung saan nila madala ang kanilang mga produkto. Kaya’t napakahalaga na kayo ay kasama namin dito sa Kadiwa. 

Kaya’t maraming salamat po sa inyong lahat. Magandang umaga po. Mabuhay po kayong lahat. [applause]

--- END ---

Watch here:  Kadiwa ng Pangulo Para sa Mga Manggagawa

Location: Trade Union Congress of the Philippines Compound in Quezon City  

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch