Magandang umaga po. Sana naman ay hindi kayo masyadong nahirapan dito sa mga nangyari na bagyo na dumaan sa atin at pagbaha.
Kaya po nandito po ako, nandito kami, nandito si Gov, nandito si Secretary Rex Gatchalian ng DSWD, nandiyan din po si Sec. Benny ng DOLE at lahat ng mga local official upang tiyakin na ang mga nangangailangan, na nabibigyan ng tulong at makagpag-distribute nang maganda.
Mukha naman maayos ang patakbo rito. Nandito na ang DSWD. Mabuti naman bago pa dumating ang mga baha at ang mga bagyo ay nakapaghanda na kami nang mabuti at ang DSWD nakapagpadala na ng kanilang mga relief goods.
Ang DOLE ay nakahanda na ang tulong sa mga nawalan ng trabaho, sa mga nangangailangan ng kaunting pantawid mula dito sa mga nasalanta, hanggang makabalik ulit at mawala na ‘yung baha at maayos na natin ang sitwasyon.
Kaya po ‘yan po ang aking sadya rito ngayon. Kaya sana naman ay maayos ang ating pagbigay ng tulong sa ating mga kasama, sa ating mga kababayan na inabot nitong bagyong ito, saka ‘yung mga baha na naging resulta ng mga bagyo.
Alam niyo po ang katotohanan dito ay marami sa mga dinaanan ng tubig noong nagkabaha ay hindi naman talaga… Ang laki ng tubig. Unang-una ang laki ng tubig na bumagsak na ulan. Kasama rin kami sa Norte, hanggang dito Central Luzon.
Kaya naman po ay kailangan natin paghandaan talaga itong ating tinatawag na climate change. Nagbabago po ang panahon. Hindi sumusunod sa dati.
Kung titingnan niyo po ang ating mga secretary, nakakunot lahat ang kanilang mga noo dahil iniisip nila kung paano makapag-ready.
Kaya po wala kaming ginawa kung hindi gawin ang paghanda. Dahil wala naman tayong magagawa sa weather, pero ang paghanda para sa mga magiging biktima ng mga baha, ng mga bagyo, ay pinaghahandaan natin nang mabuti.
Nandiyan po lahat ng pagtulong sa ating mga kababayan. At sana po ay mabilis lang ay bababa na ang tubig, makabalik po tayo sa ating mga dating gawain.
Kaya’t nandito lang po kami para tiyakin na maganda po ang patakbo. Mukha naman maayos ang patakbo ng ating pagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Iyon lamang po. Marami pong salamat sa inyong lahat. [applause] Good luck po sa inyo. Nandito po ang pamahalaan ninyo at laging handa na tumulong sa lahat ng nangangailangan po.
Magandang umaga po sa inyo. [applause]
--- END ---
Watch here: Distribution of various government assistance in Pampanga
Location: San Fernando City, Pampanga