Publications

Departure Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. for his Participation in the 43rd ASEAN Summit and Related Summits

  • Published on September 04, 2023
  • |

Departure Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. for his Participation in the 43rd ASEAN Summit and Related Summits

Thank you very much, Chief Luc, for your introduction.

The House Speaker, Speaker Martin Romualdez; the members of the Cabinet that have joined us here this afternoon, both who are part of the delegation and those who are going to stay behind to hold the fort; Pasay District Representative Antonino Calixto; the Philippine Ambassador to the United States Babe Romualdez; Pasay City Mayor, Mayor Imelda Calixto-Rubiano; the AFP Chief of Staff Romeo Brawner and the major service commanders here today; Philippine National Police Chief General Benjie Acorda; of course, our First Lady, good afternoon; fellow workers in government; ladies and gentlemen.

I am leaving today to go to Indonesia to attend the 43rd ASEAN Summit and Related Summits at the invitation of the Chair of ASEAN this year, President Joko Widodo of Indonesia.

Once again, I will use this opportunity to advance Philippine priorities in ASEAN and work with our other ASEAN Member States not only in addressing the complex challenges facing the region, but also in pursuing opportunities for ASEAN as an “epicentrum of growth.”

My participation will highlight our advocacies in promoting a rules-based international order, including in the South China Sea, strengthening food security, calling for climate justice, tapping the potential of the digital and creative economies, protecting migrant workers in crisis situations, as well as combating Trafficking-in-Persons.

The second ASEAN Summit for this year provides a strategic opportunity for ASEAN to deepen its robust partnerships with Australia, Canada, India, China, Japan, Korea, the United States, and the United Nations.

We will foster cooperation with these countries in areas such as trade and investment, climate action, food security, clean energy, and maritime cooperation.

I will also participate in the ASEAN Plus Three and East Asia Summits, during which we will discuss developments in the South China Sea, the situation in Myanmar, and the conflict in Ukraine; as well as on other major power rivalries.

I will also take the opportunity to meet with bilateral partners at the sidelines of the ASEAN Summit to advance cooperation that will benefit our national priorities.

As a founding member, ASEAN has always been closely intertwined with Philippine foreign policy.

My administration will continue to ensure that our constructive engagements with ASEAN, our Dialogue Partners, and stakeholders serve our national interest and the well-being of the Filipino people.

Habang po kami ay nasa Jakarta ay walang tigil po ang aming pagtutok sa sitwasyon na ngayon na ating hinaharap tungkol sa bigas. Sasamantalahin ko na po itong pagkakataon na ito upang maipaliwanag kung ano ba ang mga nangyayari sa sektor ng bigas at kung ano ang ginagawa ng inyong pamahalaan.

Tayo po ay sa lahat ng pag-aaral ng Department of Agriculture at lahat ng ibang ahensiya ng pamahalaan hindi namin makita ang magagandang dahilan kung bakit tataas ang presyo ng bigas ng ganito na lumalagpas ng singkwenta pesos ang bawat isang kilo.

Ngayon, sa pag-aaral namin ang dahilan lamang dito ay talagang nandiyan ang mga smuggler at saka ang mga hoarder. Ako po sa aking pag-iisip ang aking pag-approach pagka dumating sa ekonomiya ay nais kong – hangga’t maaari ayaw kong pakialaman ang merkado at pabayaan natin, let the market do its work.

Ngunit ay pinapakialaman na ang merkado natin. Kaya’t kailangang pumasok ang pamahalaan at ito nga ang aming ginawa ay tayo ay naglagay ng price ceiling para sa presyo ng bigas.

At pangalawa, kailangan ko pong – kaya patuloy po ang ating magiging kampanya sa paghuhuli ng mga smuggler, sa paghuhuli sa mga hoarder. Tuloy-tuloy ‘yan.

Ngunit sa ngayon ay kailangan na masyado nang matagal, hindi bumabawi ang merkado, nahihirapan na ang tao. Kaya’t napilitan ang gobyerno na pumasok at magsabi na maglagay tayo ng price control para naman naghihirap na ang tao dapat naman ay huwag na nating dagdagan ang kanilang kahirapan.

Pangalawa po, kailangan kong maipaliwanag ito po ay pansamantala lamang. Hindi ito tatagal. Pagdating… Tayo’y umaani na ng palay. Umaani na tayo ng palay dito sa Pilipinas. Tapos na ang season.

Kaya’t pagdating ng panahon – papasok pa mayroon tayong mga in-import na bigas – sabay-sabay na papasok ‘yan at makikita basta’t ilalagay namin, dadalhin natin sa palengke, pabayaan ulit natin ang presyo ng bigas na maghanap ng sarili niyang presyo.

Ngunit dahil talagang malaki ang suplay, maganda ang suplay ay makikita natin na makokontrol ng market ‘yung presyo ng bigas.

Pangatlo, naunawaan namin kaagad mula sa simula ng usapan tungkol sa price control sa bigas, naunawaan na namin at nakita kaagad na mayroong mga retailer na maiipit dahil sila ay bumili ng mahal na bigas, ngayon ay mapipilitan sila maipagbili ‘yung mahal na bigas sa murang halaga.

Kaya’t alam namin ‘yun. Kaya gumawa kami mayroon tayong plano. Sa kasalukuyan, ang ating DTI, ang ating Department of Agriculture, ay gumagawa ng listahan ng ating mga rice retailers, ‘yung mga association ng mga rice retailer, kung sinoman ang mga rice retailer.

At habang ginagawa ‘yan, kinakalkula rin kung ano ang magiging lugi nung mga rice retailer dahil nga sa price cap. Kaya’t ang DSWD naman ay tiniyak namin na mayroon silang pondo, ihanda, upang ‘pag nakalkula na natin ang lugi ng mga rice retailer ay bibigyan naman natin sila ng tulong, katumbas na tulong.

Kaya’t huwag sana kayong mag-alala. Alam po namin na ito’y mga bago na sistema na ating ginagawa. Ngunit kagaya ng aking nasabi ay napipilitan tayo dahil sa mga pwersa na kung minsan ay ayaw tumulong sa ating mga kababayan.

Ngunit gagawin natin ito upang makatiyak naman ang taong-bayan na hindi napakalaki ang kanilang ginagastos para naman sa kanilang pagkain para sa bigas.

At ang pangalawa, huwag po kayong mag-alala mga rice retailer. Nauunawaan po namin kaagad na maaabala kayo dahil iisipin nga ninyo na may malulugi. Nandiyan ang gobyerno ninyo upang magbigay ng tulong para sa inyong lahat para naman bawi ang lugi ninyo na nangyari dahil sa price cap.

Kaya’t sana naman ay ito ay magiging – kagaya ng sabi ko this is a temporary measure. The rice supply will be coming in the second week of September. Nandiyan na ‘yung ani ng Pilipinas, nandiyan na ‘yung importation natin. Wala na naman talagang magiging dahilan kung bakit tataas ang presyo ng bigas at maibabalik natin sa dati nating kinasanayan na presyo.

Maraming salamat. Magandang hapon po sa inyong lahat. [applause]


— END —

Watch here: Departure Statement for Participation to the 43rd ASEAN Summit and Related Summits

Location: Maharlika in Villamor Air Base in Pasay City

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch