PANOORIN: Pinadaong sa bayan ng Sto. Domingo sa Albay ang barge Claudia na dala ng dala ng M/V Tug Clyde kung saan sakay ang 11 tripulante na positibo sa COVID-19.
Galing ang mga ito sa indonesia.
Kinailangang hilahin palapit sa baybayin ang barge na may dalang 8,000 Metric Tons steam coal cargo dahil ito ay nakatagilid na at posibleng tumaob.
Alas-4 kaninang madaling araw sinimulan ang pagsasagawa ng pushing at towing ng barge.
Nagsagawa din ng disinfection sa barge ang walong crew na negatibo sa covid-19 bago ito nahila sa tulong ng Philippine Coast Guard District Bicol, katuwang ang 16 na crew mula sa dalawang pribadong shipping corporation.
Patuloy namang sumasailalim sa quarantine sa dagat ang mga nag positibo sa virus, naka-angkla ang Tug Boat Clyde, 200 metro mula berthing line ng Lidong Port sa Sto. Domingo.
Nakatakdang sumailalim sa RT-PCR test ang mga crew sa susunod na linggo.
Siniguro ng maritime security at monitoring team ng Coast Guard na walang makalalapit na sasakyang pandagat at walang makabababa na crew nang sa gayon ay ma-kontrol ang pagkalat ng virus.