SERBISYONG MEDIKAL PARA SA LAHAT
Mahalaga kay Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. na masiguro ang kalusugan ng bawat Pilipino. Bukod sa mga programa kaugnay ng COVID-19, isinusulong din ng Pangulo ang pagpapababa ng presyo ng gamot, pagpapalakas ng ating healthcare system, at pagbibigay ng libreng tulong medikal sa mga mahihirap.
Layunin din ng administrayon na mailapit ang mga serbisyong medikal ng gobyerno sa mga tao, lalo na sa mahihirap at sa mga nasa malalayong lugar. Alinsunod dito, pinaplano ang pagtatayo ng mga health center at ospital sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang na ang mga specialty hospitals gaya ng Lung Center at Heart Center.