ANG TULA AY ISANG ANYO NG PANITIKAN NA NAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN NG ISANG TAO.
Sa makabagong panahon kadalasan ay ipinahahayag natin ang ating saloobin sa pagpopost sa internet. Kaya maaari na rin nating masabi na ang mga social media posts ay sumasalamin sa ating mga sarili.
Ngayon Buwan ng Panitikan, suriin ang iyong sariling panunulat at kumuha ng dagdag ng inspirasyon sa pagbabasa ng mga tula at epiko, pakikinig ng mga awit at panunuod ng mga pelikulang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino.