Pantawid Pamilyang Pilipino Program
Pinangungunahan ng DSWD, ang 4Ps ay ang pambansang estratehiya upang puksain ang kahirapan at isang programa ng pamumuhunan sa kapital ng tao na nagbibigay ng kondisyonal na cash transfer sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng pitong (7) taon, upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon.
Ang 4Ps ay nagbibigay pansin sa mga pangangailangan ng mga marginalized at vulnerable communities sa Pilipinas. Ito’y hindi lamang limitado sa isang tao o isang barangay na tumutulong sa pag-angat ng isang komunidad o isang pamilya, kundi ang pagtulong sa kapwa ay nagsisimula rin mula sa ating sariling pamilya. Nais ng short film festival ipakita ang “shared responsibility,” na sa pitong taon na pananatili ng mga pamilya sa programa ay maisasama sa magandang hinaharap.
PANUORIN
Narito ang tatlong nagwagi sa 4Ps NCR short film festival.
Grand Winner: "KEYK" - HINURNONG PANGARAP AT TAGUMPAY!
Operations Office: 3 – CALOOCAN CITY
Sa lungsod ng Kalookan, ang pamilya ni Ginang Osmana Tubera ay tatlong beses sinubok ng malupit na apoy sa kanilang tahanan. Ngunit sa bawat sunog, mas lalo silang tumitibay at nagkakaisa. Ang kanilang kwento ay hindi lamang tungkol sa pagbangon mula sa literal na abo, kundi pati na rin sa mga pagbabagong dulot ng mga pagsubok at epekto nito sa kanilang buhay.
1st Runner Up: "Gunita"
Operations Office: 4 – QUEZON CITY (DISTRICTS 2,3 and 4)
A heartwarming journey towards self-sufficiency. Through tears and laughter, the 4Ps family comes together to reminisce about their past struggles and reflect on how they conquered them.
2nd Runner Up: "Pangarap na Bituin"
Operations Office: 6 - MALABON CITY, NAVOTAS CITY, AND VALENZUELA CITY
Ang pamilya De Rosario ay mula sa mahirap na pamilya na pilit kumakayod at lumalaban sa hamon ng buhay para sa kanilang mga anak. Isang kahig-isang tuka kung ilalarawan ang kanilang paumuhay. Ang haligi ng tahanan ay isang contruction worker samantalang isang mabuting maybahay si Anabelle.
Tampok sa maigsing pelikula na ito ang kwento ng pighati, pagsusumikap, at tagumpay ng Pamilya Del Rosario katuwang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na naging saksi sa makulay na paglalakbay ng pamilya sa larong tinatawag na "reyalidad ng buhay. (PIA-NCR)