
Makiisa sa pagdiriwang ng White Cane Safety Day sa Agosto 1 na may temang "Puting Baston: Gabay sa MATATAG na kinabukasan, Inklusibong Edukasyon at Pamayanan."
Ating alamin ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mga kababayan nating may kapansanan sa paningin.
Sa pangunguna ng Department of Education at tulong ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno at mga katuwang na organisasyon, ang pagbubukas ng selebrasyon ay gaganapin sa Philippine Information Agency Building Visayas Avenue, Quezon City at mapapanood ang livestreaming sa PIA Facebook Page sa darating na Agosto 1, 2023, 9:00 a.m.