
Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, kilalanin ang mahalagang papel ng mga Wikang Katutubo sa pagkakaisa ng bansa.
#Magsalita, makipagtalastasan at makibahagi gamit ang sariling wika.
Inihahandog ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang iba’t ibang gawaing pangwika sa buwan ng Agosto kabilang ang serye ng webinar, tertulyang pangwika mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa, mga timpalak, paglulunsad ng mga aklat, at Araw ng Parangal.
Makilahok at bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino.
#Makiisa sa #BuwanNgWika2023