
Ngayong Buwan ng Pambansang Wika, ating ipagmalaki ang paggamit ng Filipino at mga Katutubong Wika bilang daluyan ng kaalaman at paraan ng ekspresyon ng mayamang kultura ng Pilipinas.
#Magsalita, makipagtalastasan at makibahagi gamit ang sariling wika.
Inihahandog ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang iba’t ibang gawaing pangwika sa buwan ng Agosto kabilang ang serye ng webinar, tertulyang pangwika mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa, mga timpalak, paglulunsad ng mga aklat, at Araw ng Parangal.
Makilahok at bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino :
#Makiisa sa #BuwanNgWika2023