
MAGPAREHISTRO NA!
Ngayong Elderly Filipino Week ating binibigyan ng pagpupugay ang mga pamana na handog ng ating mga nakakatandang Pilipino. Kaya naman hinihikayat ang lahat ng mga Pilipino na edad 60 pataas na magparehistro sa online database for senior citizens ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). Makatutulong ang database upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga programa at benepisyo para sa mga senior sa bansa.
Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang https://www.ncsc.gov.ph/.