No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng serbisyong medikal, binuksan sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque (PIA) -- Tuluy-tuloy sa pag-arangkada ang programang libreng serbisyong medikal na hatid ng tanggapan ng panagalawang punong panlalawigan ng Marinduque.

Kamakailan ay personal na nagtungo sa Barangay Mangyan-Mababad at Malusak sa bayan ng Mogpog si Vice Gov. Romulo Bacorro, Jr upang magsagawa ng medical mission.

Nabigyan ng prebilehiyong libreng check-up at konsultasyon, libreng gamot, cautery, at minor surgery operations ang mga residente roon na may mga iniindang karamdaman.

Bukod dito, nakapaghatid din ng libreng hilot massage, mga tungkod para sa mga senior citizen at napagkalooban din ng ilang kagamitan ang mga Barangay Health Workers (BHW) at mga Barangay Nutrition Scholars (BNS).

Personal na nagtungo sa Barangay Mangyan-Mababad at Malusak sa bayan ng Mogpog si Vice Gov. Romulo Bacorro, Jr upang magsagawa ng medical mission. (Larawan mula sa opisina ni Vice Gov. Bacorro)

Ayon kay Bacorro, bukas aniya sa kahit na sinuman ang nasabing proyekto at layon ng proyekto na mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga mahihirap sa lalawigan. (RAMJR/ENSJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch