BOAC, Marinduque -- Masinsinang nagsagawa ng monitoring activities laban sa mga uncertified at non-conforming o substandard na mga produkto ang Department of Trade and Industry (DTI)-Marinduque sa 28 establisyemento sa bayan ng Boac, kamakailan.
Pangunahing tiningnan ng Provincial Monitoring and Enforcement Team (PMET) ang mga produktong sakop ng Bureau of Philippine Standards (BPS) mandatory certification kagaya ng household appliances, steel products, plastic pipes & ceramic products, consumer electronics, lighting & wiring devices, cement & other construction materials, chemical products, automotive-related products at iba pang consumer products.
Ayon sa DTI-Marinduque, layon ng gawain na matiyak na nakapasa sa quality standard ang mga produkto na nabibili ng consumer sa mga palengke at iba pang business establishments.
