No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Boac, Buenavista isasailalim sa 'Alert Level 3' simula Enero 11

BUENAVISTA, Marinduque (PIA) — Isasailalim sa Alert Level 3 ang mga bayan ng Boac at Buenavista simula Enero 11 hanggang Enero 23.

Ito ang nakasaad sa inilabas na ‘joint resolution’ ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) on Emerging Infectious Diseases at Regional Task Force (RTF) Againts COVID-19 sa Mimaropa na nilagdaan nina DILG regional director Wilhelm Suyko-RIATF chairperson, OCD regional director Ruben Carandang-RTF chairperson at DOH regional director Mario Baquilod-RIATF co-chairperson.

Ang hakbang ay bilang tugon sa isinagawang pagsisiyasat at pagpapatunay ng Department of Health-Centers for Health Development (DOH-CHD) Mimaropa at concurrence ng RIATF mula sa resulta ng risk classification na isinagawa ng Center for Regional Epidemiology & Technology Enhancement kung saan ang bayan ng Boac ay nauuri bilang ‘moderate habang ang munisipalidad ng Buenavista ay ‘high risk’ dahilan sa limitadong bilang ng mga hospital bed capacities sa nasabing mga bayan na nagpakita nang pagtaas ng COVID-19 cases sa nakalipas na isang Linggo.

Ganap ng ipatutupad sa bayan ng Boac at Buenavista ang Alert Level 3 System simula Enero 11 hanggang Enero 23 base sa RIATF Joint Resolution No. 03 serye 2022. (Larawang kuha ni Romeo Mataac, Jr/PIA)

Inaasahang ang pagbabago sa sistema ng alertong antas ay maipatutupad sa mga bayang nabanggit at binibigyan lamang ng 24 oras ang mga ito upang ganap na mapaghandaan ang mga hakbang na dapat gawin sang-ayon sa panuntunan ng IATF.

Sa ilalim ng alert level 3, suspendido ang mga aktibidad gaya ng:

  • face-to-face classes sa basic education (maliban kung aprubahan ng pandemic task force o Office of the President)
  • contact sports (maliban kung bubble-type set-up)
  • mga peryahasn o kid amusement industries gaya ng playgrounds, playroom at kiddie rides
  • venues na may live voice o wind-instrument performers at audiences gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls at theaters
  • casino, karerahan ng kabayo, sabong at sabungan, lotto, tayaan ng sugal atbp. gaming establishments maliban kung payagan ng
  • pandemic task force of Office of the President
  • pagtitipun-tipon sa mga bahay ng mga indibidwal na hindi kasama sa parehong kabahayan

Sa kabila nito, pinapayagan dito ang:

  • sinehan atbp. mga negosyo sa 30% indoor venue capacity para sa mga fully-vaccinated at 50% outdoor venue capacity.
  • 30% indoor capacity para sa mga fully vaccinated at 50% outdoor capacity ang mga aktibidad gaya ng mga burol.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, aabot na sa 3,736 ang kaso sa Marinduque habang 39 dito ang aktibo. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch