No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

11 na tanggapan at ospital sa BARMM, DOH 'Red Orchid' awardees

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Abot sa labing-isang tanggapan at ospital mula sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kinilala kamakailan ng Department of Health (DOH) national office at ng Ministry of Health (MOH-BARMM) dahil sa epektibong pagpapatupad ng no-smoking policy sa kani-kanilang mga lugar noong nakaraang taon.

Ang naturang mga tanggapan ay ginawaran ng ‘Red Orchid Award’ para sa taong 2022 dahil sa kanilang istriktong pagpapatupad ng no-smoking campaign. 

Sinabi ni MOH-BARMM Non-Communicable Diseases cluster Head Dr. Ahsan Paudac, ang programa ay naglalayong masiguro ang smoke-free environment sa buong rehiyon at iba pang mga lugar sa bansa.

Ayon sa ministry, ang mga kinilalang tanggapan at ospital ay binigyan ng tropeyo at cash incentives. Ang mga first time awardee ay nakatanggap ng tig P25,000, habang ang mga hall of famer ay nakatanggap ng tig P50,000.

Kabilang sa mga first-time awardee ang Datu Odin Sinsuat District Hospital sa Maguindanao del Norte, at ang 12th Forward Service Support Unit ASCOM ng Philippine Army.

Ang mga Red Orchid Award Hall of Famers 2022 naman ay ang Bureau of Jail Management and Penology-BARMM-Cotabato City Jail; Upi at Parang municipal jails sa Maguindanao del Norte; Wao Municipal Jail at Malabang District Jail sa Lanao del Sur; Lamitan City Jail sa Basilan; Jolo District Jail sa Sulu; at Bongao District Jail sa Tawi-Tawi.

Matatandaang 2010 unang nagsimula ang Red Orchid Award nang magpalabas ang DOH ng comprehensive 100 percent Smoke-Free Environment Policy o ang Administrative Order No. 10. (With reports from MOH-BARMM). 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch