No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga bata at buntis sa Cotabato nakinabang sa oral health campaign ng IPHO

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Dinaluhan ng mga buntis at mga day care pupils mula sa iba't-ibang paaralan dito sa lalawigan ang mga aktibidad sa isinagawang serye ng oral health campaign kamakailan na pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office o IPHO.

Ang kampanya na isinagawa sa mga bayan ng Magpet, Alamada, M’lang, Midsayap, Pres. Roxas, Pigcawayan, Libungan, at Makilala, ay may kaugnayan sa selebrasyon ng Oral Health Month ngayong taon.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang pamamahagi ng buntis kits at oral kits.

Nagkaroon din ng oryentasyon hinggil sa wastong nutrisyon at family planning ang IPHO para sa mga buntis. Dagdag pa dito ang pagsasagawa ng libreng syphilis at hepatitis B tests.

Sa kabilang banda, tinuruan naman ng wastong paraan ng pagsisipilyo at iba pang kaalaman hinggil sa pangangalaga ng ngipin ang mga day care pupil. Sumailalim din sila sa oral exam at nakatanggap ng fluoride varnish.

Base sa tala ng IPHO, abot sa 131 buntis at 212 day care pupil ang nakinabang sa naturang mga aktibidad. (With reports from IDCD-PGO)


About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch