LUNGSOD MAYNILA (PIA) -- Bukas na sa pagtanggap ng aplikasyon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa timpalak na Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2023.
Ito ay pagkilala na ipinagkakaloob sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na sumunod sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 o EO 335 at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko.
Sa mga nais magpadala ng aplikasyon, narito ang mga tuntunin:
1. Bukás ang timpalak sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya, instrumentaliti, at lokal na yunit ng pamahalaan o LGU.
Para sa Kagawaran ng Edukasyon: bukás lámang ito sa mga Panrehiyon
at Pansangay na Tanggapan.
2. Magpadala ng liham na nagsasaad ng intensiyong lumahok sa timpalak sa o bago ang 31 Marso ng kasalukuyang taon sa:
Email: kwf.slak@gmail.com
Subject: Ahensiya_KWFSelyo2023
3. Ang lahat ng mga pruweba o patunay ay tatanggapin hanggang 30 Abril ng kasalukuyang taon. Maaari ding isumite ang dihital na kopya nito sa opisina ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
4. Makatatanggap ng plake ng pagkilala ang mapipipiling ahensiya o lokal na yunit ng pamahalaan.
5. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago.
6. Para sa mga tanong o karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnay sa Sangay ng Literatura at Araling Kultural at hanapin si:
Dr. Miriam P. Cabila (09669052938; mpcabila@kwf.gov.ph); o
Gng. Pinky Jane S. Tenmatay (09206512590; pjstenmatay@kwf.gov.ph).
(KWF / PIA-NCR)