No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Rehiyon 12 suportado ang Pabahay Program ni PBBM

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato (PIA) -- Isang inter-agency technical working group (TWG) ang itatatag sa SOCCSKSARGEN Region bilang suporta sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Sa pulong ng Regional Development Council (RDC) 12 kamakailan, ipinasa ng Konseho ang Resolution No. 16 s. 2023, "Creating the SOCCSKSARGEN 4PH Technical Working Group and Enjoining All Member Agencies to Provide Support." 

Nagpasa rin ng RDC 12 ng Resolution No. 17 s. 2023, "Enjoining the SOCCSKSARGEN LGUs to Adopt and Support PBBM's 4PH Program." 

Ayon kay Private Sector Representative Carlito Uy, chairperson ng Regional Social Development Committee (RSDC) 12, pangungunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) 12 ang naturang technical working group. 

Layunin ng 4PH program ni Pangulong Marcos ng magtayo ng isang milyong bahay kada taon sa loob ng anim na taon upang matugunan ang pangangailangan ng de-kalidad at murang pabahay para sa mga informal settler families (ISF) at mga pamilyang wala pang tirahan.  

Sa Rehiyon 12, tinatayang aabot sa  397,000 housing units ang kailangang itayo sa loob ng anim na taon; 140,518 ay nakalaan para sa mga ISF. 

Sa kasalukuyan, ilang lokal na pamahalaan na sa SOCCSKSARGEN ang naghayag ng plano na magtayo ng housing units sa ilalim ng 4PH program ng Marcos administration simula ngayong taon. 

Ito ay kinabibilangan ng City of Koronadal at General Santos City na nagbabalak magtayo ng tenement o condominium type housing project at Bayan ng Polomolok na may planong magtayo ng horizontal type housing project.  (PIA SOCCSKSARGEN) 




About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch